Updated data base ng mga mahihirap na pamilya kailangan
MAHALAGA umano na magkaroon ang gobyerno ng updated data base ng mga pinakamahihirap na pamilya sa bansa upang mabilis ang paghahatid ang tulong ng gobyerno sa mga ito.
Ayon kay House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang pagkakaroon ng database ay makatutulong upang mapabilis ang pamimigay ng ayuda sa mga nangangailangang pamilya gaya ng Social Amelioration Program fund.
Nagtagal umano ang pamimigay ng SAP dahil nahirapan ang mga ahensya ng gobyerno na tukuyin kung sinu-sino ang dapat na tulungan.
“We look forward to seeing a national database system of qualified beneficiaries of the emergency cash subsidy, particularly those who belong to poorest families, to ensure that the implementation of future programs of this kind will be smoother and more efficient,” ani Herrera.
Para matiyak na tama ang nasa listahan, maganda rin umano kung ito ay makikita ng publiko upang matiyak na walang pinapaboran sa paglilista.
“There should be an unbiased, verified list of beneficiaries of future cash aid programs; one that has no room for favoritism and nepotism.”
“The delay in the distribution of cash assistance during the coronavirus lockdown could have been avoided if we had a national ID system in place,” dagdag pa ni Herrera na ang tinutukoy ay ang Philippine Identification System Act (Republic Act 11055).
Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang RA 11055 noong Agosto 2018 pero hindi pa ito naipatutupad bagamat nakapag-pilot testing na.
Ikinalungkot naman ni Herrera na hindi naabot ng first tranche ng SAP ang halos 300,000 pamilya.
“Despite the lapse of more than 3 months from the effectivity of the Bayanihan to Heal as One Act and having expended so much government time and resources, the DSWD still failed to reach 291,722 poor families, thereby missing its own adjusted target of 17,938,647 impoverished households,” dagdag pa ng lady solon.
Mahalaga umano na matiyak na tama ang mga nabigyan sa first tranche bago simulan ang ikalawang tranche ng pamimigay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.