Isko napa-throwback sa buhay-showbiz: P1,500 TF pumindot lang ako ng doorbell | Bandera

Isko napa-throwback sa buhay-showbiz: P1,500 TF pumindot lang ako ng doorbell

Ervin Santiago - June 21, 2020 - 09:28 AM

ISKO MORENO

NAPA-THROWBACK si Manila Mayor Isko Moreno sa naging buhay niya noong napasok siya sa mundo ng showbiz.

Alam naman ng lahat kung saan gaano kahirap ang buhay noon ng alkalde sa Maynila at kung paano siya nagsikap para maabot ang kinalalagyan niyang posisyon ngayon.

Sa guesting niya sa Magandang Buhay last Friday, naikuwento ni Mayor Isko kung paano siya na-discover ng talent scout sa isang lamay hanggang sa maging member na ng That’s Entertainment ni Kuya Germs (German Moreno).

Natatawa rin inalala ng actor-politician ang unang role na ginampanan niya. Isa lang daw ang eksena niya rito, ang pumindot ng doorbell kung saan ilang oras siyang naghintay bago ito makunan.

“Nag-doorbell ako. Ang call time ko, alas-9; alas-8, nandoon na ako. Hindi ako nakuhanan. Alas-12, chicha, tanghalian na, eh. 

“Eh, nu’ng araw, usong-uso pa meryenda. Limang chicha ‘yan eh. Meryenda, tapos dinner, tapos midnight snack. Basta inabot ko lahat ‘yun, ‘yung buong limang meal. Tapos nandoon ka lang sa loob ng air conditioned room. 

“Kinunan ako, alas-4 ng umaga. Para pumindot lang ng doorbell at hanapin si Eric Fructuoso. Siya ‘yung main cast, eh. Pagpindot ko ng ganyan, P1,500 (talent fee),” kuwento pa niya.

Eh, nu’ng araw, kapag nagsa-sidecar ako, P50 ang neto ko, P50 times 30 days, P1,500. Umulan o bumagyo, magkaroon ng delubyo. 

“Kailangan makapag-boundary ako o kaya maka-P50 ako eh, di P1,500 ‘yon 30 days. Ito nakaniyangga ka lang, may aircon pa. Sabi okay ito na trabaho ‘to,” lahad pa niya.

So, nakita ko ‘yung value ng opportunity. Pinagpapasalamat ko sa Diyos, o kay Kuya Germs, kay Daddy Wowee (Roxas, his manager), o higit sa lahat sa Diyos, na ang sarap ng trabahong ito,” pahayag pa ni Mayor Isko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending