Sharon binasag ang dating kaibigan: Grabe! Wala akong career! Wala akong pera! Wala akong pamilya!  | Bandera

Sharon binasag ang dating kaibigan: Grabe! Wala akong career! Wala akong pera! Wala akong pamilya! 

Ervin Santiago - June 21, 2020 - 08:50 AM

SHARON CUNETA

ILANG oras lang ang lumipas matapos talakan ni Sharon Cuneta ang nagbantang gagahasain ang anak na si Frankie, isang writer-director naman ang binasag-basag niya sa social media.

Hindi na napigilan ng Megastar ang matinding galit at sakit na nararamdaman sa ginawa umanong paninira at panglalait sa kanya ng entertainment columnist at direktor na si Ronald Carballo na dati niyang malapit na kaibigan sa showbiz. 

Sa pamamagitan ng Facebook, sinagot ni Sharon ang mga bintang sa kanya ng dating kaibigan na nagsabi umano ng kung anu-anong masasakit at malilisyosong salita laban sa kanya.

Narito ang ilang bahagi ng kanyang FB status: “Kailan ako GUMAMIT NG GIMIK SA LOOB NG 42 YEARS KO SA SHOWBIZ?”

“Maaaring di na singlaki ng kinikita ng movies ko noong nakasiyam—count themNINEstill UNMATCHED na BOX-OFFICE QUEEN TROPHIES ang kinikita ng movies ko ngayon.

“Pero huwag masyadong mabilis sa pagbitaw ng salitang ‘FLOP.’ Ang comeback ko, hindi parating? Palpak ka na naman. 2017 pa ako nag-comeback sa pelikula!

“Naaalala mo ba ang isang pelikulang tinatawag na UNEXPECTEDLY YOURS na tumabo ng mahigit 300++ milyon sa takilya?

“Pati naman ang THREE WORDS TO FOREVER NA LIMITADO ANG PWEDENG GAWING ISTORYA DAHIL COMMITMENT NG STAR CINEMA SA REBISCO YUNG PROJECT ay DISENTE ANG KINITA.

“Yung KUWARESMA, nakabawi kami dahil sa Netflix—nakakatakot siguro masyado at di naman ako nanghinayang dahil napaka-high-quality naman ng pelikula namin ‘yon ni Direk Erik Matti at Kuya Dondon Monteverde.

“FYI, kundi nagka-COVID19, tapos na sana ang 2 pelikula ko for the year, isang multi-city concert tour sa AUSTRALIA, isang multi-city concert tour with REGINE ng ICONIC at 5 corporate shows (alam mo ba kung magkano ang talent fee ko para sa tatlong kanta for a corporate show?) and two TVCs.

“Grabe, laos na laos na talaga ako at kailangan ko talagang gumimik! Ayoko pa magretire kaya kailangan kong gumimik dahil WALA NA AKONG TRABAHO!!! Nakakaawa na ako!

“Wala akong career! Wala akong pera! Wala akong PAMILYA! Wala akong KAIBIGAN!

“Excuse me—nagbabawas nga ako ng attention at 54 na ako. In fairness, may career pa ako ha! At iba ang kinalakihan ko. Hindi kami ganong klaseng pamilya. Kung may tunay na may ugaling masama sa mga anak ko, lalabas at lalabas yon kahit hindi na ako magsalita.

“INA AKO. Hindi ako ang sisira sa sarili kong anak. Maliban na lang kung may masira ang ulo sa kanila at ako ang walanghiyain o baligtarin.

“Aba apat ang anak ko at dala ko pa rin ang mga pangalan ng Mommy at Daddy ko! Dedepensahan ko ang reputasyon namin kahit sa kadugo ko pa!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang sagot ang dating kaibigan ni Mega. Bukas ang pahinang ito para sa kanyang paliwanag at depensa sa ngalan ng pagiging balanse at parehas. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending