Dating sikat na aktres nanalo lang daw ng award dahil sa corned beef? | Bandera

Dating sikat na aktres nanalo lang daw ng award dahil sa corned beef?

Ronnie Carrasco III |June 20,2020
facebook
share this

Dating sikat na aktres nanalo lang daw ng award dahil sa corned beef?

Ronnie Carrasco III - June 20, 2020 - 08:38 AM

“DORIS Bigornia” (read: bigo) ang isang beteranang aktres sa kanyang pang-ookray sa dalawang beauty queen.

Binanatan kasi nito ang aniya’y palsong pananaw ng dalawang girls sa isang kontrobersyal na isyu.

Partikular na nilait ng aktres ang sinasabi niyang “scripted” na sagot ng mga ito sa Q&A portion sa mga sinalihan nilang pageant. 

Pero sa halip na rumesbak ang mga reyna, it’s the latter’s supporters who came to their rescue.

Sikat na sikat ang aktres noong panahon niya. Sa katunayan, may iginawad pa ngang titulo sa kanya.

Ilang taon din siyang namahinga only to resurface via a teleserye, kung saan kontrabida ang kanyang naging role. 

Since then, medyo dumalas-dalas na ang kanyang TV exposure.

Bukod sa pagiging aktres noon ay pumalaot din siya sa larangan ng pagpoprodyus. 

Pero sa iilang taong nakakakilala sa kanya sa industriya ng telebisyon at pelikula have a story to tell.

Minsan na rin kasing kinilalala ang “husay” niya sa pag-arte. Pero ang mga tao nga who knew her well enough ay nagsasabing ang pagkapanalo niyang ‘yon ay dapat ipagpasalamat sa “corned beef.”

Yes, you heard it right: corned beef. 

Idinadaan kasi sa boto ang mga nananalo sa kategorya ng mismong mga kasamahan ng nominees. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala raw ginawa ang aktres kundi ilibre ang kanyang mga voting co-members ng corned beef tuwing breaktime. 

Mamigay din kaya siya ngayon ng corned beef para patahimikin ang libu-libong netizens na bumabatikos sa pagsawsaw niya sa mga kontrobersyal na issue?                                               

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending