Sharon: Hindi po tanga o boba ang kahit sinong anak ko! | Bandera

Sharon: Hindi po tanga o boba ang kahit sinong anak ko!

Ervin Santiago - June 19, 2020 - 09:28 AM

Sharon-Frankie

“SANA anak hanggang mamamatay na lang kami huwag ka magbabago sa amin.” 

Yan ang pakiusap ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang kontrobersyal na anak na Frankie Pangilinan sa gitna ng pakikipaglaban nito para sa karapatan ng mga kababaihan, lalo na sa mga biktima ng rape. 

Naging maingay ngayon ang online movement at hashtag na #HijaAko dahil sa paninindigan ni Frankie laban sa “rape culture” sa Pilipinas, lalo na sa paniniwala ng TV-radio anchor na si Ben Tulfo na marami ang nagagahasa dahil sa klase ng pananamit ng mga biktima.

Maraming celebrities ang kumampi sa dalaga pero siyempre, ang super proud talaga sa tapang niya ay ang mga magulang na sina Sharon at  Sen. Kiko Pangilinan. 

Nauna nang ipinagtanggol nina Mega at Kiko ang kanilang anak hinggil sa issue ng rape culture sa bansa at talagang ipinagsigawan nila sa buong universe na suportado nila ang ipinaglalaban ni Frankie.

Bukod dito, isang mahabang mensahe pa ang ipinost ni Shawie sa kanyang social media account para kay Frankie at dito, muli niyang ibinandera ang paghanga sa anak.

“Alam ko na feeling ng Daddy at Mommy ko nung sumikat na ako bilang singer na nag-uumpisa pa lang…ganon man kasimple, mas proud ako na naging anak kita, dahil sa puso at pagkatao mo. Sa respeto at pagmamahal na binibigay mo sa amin ng Daddy mo,” simulang mensahe ni Mega.

“Sana anak hanggang mamamatay na lang kami huwag ka magbabago sa amin. Ikamamatay ko pag nag-iba ang ugali mo o lumaki ang ulo mo o maging plastik ka. I am so very proud of you,” aniya pa.

Nagbiro pa ang singer-actress na papayagan niya agad ang anak sakaling magdesisyon itong magpakasal ngayon pero aniya, wala pa raw talagang boyfriend ngayon si Frankie.

Pagpapatuloy pa ni Mega, “Oo hindi namin ine-encourage ang mga anak namin na magbihis ng malaswa ever since at strikto din po kaming mga magulang na di nagkukulang sa paalala. 

“Ang sinasabi lang ng anak ko ay hindi dapat ibinibintang sa kasuotan ng sinumang babae ang pangaabuso o panggagahasa sa kanya.

“Kahit balot na balot sa winter clothes ang babae sa ibang bansa, nagagahasa pa rin. At di naman tumataas ang statistics ng rape cases pag summer lang at mas konti ang nakabalot na suot ng mga babae kundi all-year round halos pantay lang kahit sa lugar na may four seasons lang nakatira. Yun lang.

Sinagot din ni Sharon ang mga bashers ni Frankie, “Di po tanga o boba ang kahit sinong anak namin. Lahat sila mula kay KC, Miel at Miguel ay palaban basta nasa katwiran.

“Wala pong nais na awayin si Kakie. Pero ipaglalaban niya ang mga babaeng binabaligtad pa kahit sila na ang nabiktima at nagdurusa.

“Anak po yan ni Kiko. Pero tandaan niyo – ANAK KO RIN SIYA. Malakas ang lahing Katipunera (mga Lola ko) at Guerilla (Tatay ko) ang nasa dugo namin. Wala kaming inuurungan basta tama ang pinaglalaban.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huling hirit pa ng Megastar, “I am proud that Kakie is my daughter. What a shame if she weren’t a warrior like her dad and mother are, and her lolo and great-great grandmothers were! Siya ay aking anak. Ella es mija.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending