Senior celebs bawal pa ring magtrabaho sa labas; FDCP, DOH, DOLE sanib-pwersa kontra COVID | Bandera

Senior celebs bawal pa ring magtrabaho sa labas; FDCP, DOH, DOLE sanib-pwersa kontra COVID

Ronnie Carrasco III - June 19, 2020 - 09:07 AM

AGAIN, thanks to Butch Francisco na may mga updates sa ilan nating veteran stars sa panahon ng health crisis.

Naisulat na namin ang tungkol kay Ms. Gloria Romero na visible pa rin sa TV kahit replays ang “Daig Ka ng Lola Ko”, “Kambal Karibal” at “Meant to Be” na mapapanood sa GMA.

Ang tukayo naman niyang si Gloria Sevilla ay balik-trabaho na rin bilang miyembro ng MTRCB. 

But because she’s a senior citizen (85 taong gulang), she does her online work mula sa kanyang tinitirhan sa Greenhills, San Juan City.

Dahil nasa California ang kanyang mga anak, Tita Glo stays with her daughter Suzette Ranillo na madalas daw niyang “makaalitan” sa kung ano ang kakainin nilang mag-ina.

To resolve the issue, hinahayaan na lang ni Suzette na ang ina ang magtimpla according to her taste buds, at siya (Suzette) takes charge of the actual cooking.

Ang iba pang kuwento tungkol sa iba pang mga senior stars, abangan bukas (Sabado). 

                                                                                            * * *

Nagsanib-pwersa ang Department of Health (DOH), Film Development Council of the Philippines (FDCP) at ang Department of Labor and Employment (DOLE) upang tiyaking nasusunod ang mga itinakda nilang guidelines kaugnay ng muling pagbabalik ng trabaho sa film at audiovisual industry sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nilagdaan ang Joint Administrative Order (JAO) No. 2020-001 nina FDCP Chairperson and CEO Liza Diño-Seguerra, DOLE Secretary Silvestre Bello III at DOH Secretary Francisco Duque III.

“As the film and audiovisual industry is part of the country’s hardest-hit business sector due to COVID-19, it is empowering that our lead government agencies are working with the FDCP to support industry members in transitioning to the new normal of performing their works while ensuring a safe environment amidst the pandemic,” ani Seguerra. 

Kabilang sa mga mandatory control measures ay limitadong bilang ng mga tao (50) sa mga work site; modipikasyon sa mga isrip at production executions; pagpapatupad ng physical distancing; paggamit ng

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 engineering controls to limit physical contact at personal hygiene; pagsunod sa implementasyon ng JAO through administrative controls tulad ng iformation diseemination; paggamit ng mga PPEs ng mga manggagagawa sa lahat ng panahon.

                                                                                   

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending