P1B kita nawawala dahil sa kakulangan ng masasakyan | Bandera

P1B kita nawawala dahil sa kakulangan ng masasakyan

Leifbilly Begas - June 19, 2020 - 01:19 AM

TINATAYANG P1 bilyong kita ang nawala sa mga tsuper ng jeepney, konduktor, at mga empleyado na hindi nakakapasok dahil sa kakulangan ng masasakyan.

Ayon kay Marikina Rep. Stella Quimbo nasa 81,920 ang mga pampasaherong jeepney at bus at UV Express ang hindi nakakabiyahe dahil sa ipinatutupad na community quarantine.

“Balik trabaho na sana ang mga manggagawa pero paano kung wala naman public transport? Ang ending ay tila naka-lockdown pa rin (sila),” ani Quimbo sa pagdinig ng House committee on Metro Manila Development.

Tinatayang 2.03 milyong manggagawa umano ang walang sariling sasakyan kaya maaaring hindi nakakapasok ang mga ito sa trabaho.

“NCR (National Capital Region) loses 1 billion pesos per day income. Heto ang nawawalang kita ng mga tsuper at mga manggagawa na hindi nakakapasok sa trabaho,” saad ng lady solon.

Nanawagan si Quimbo na ayusin ang hanay ng transportasyon upang mapunan ang kakulangan ng masasakyan.

Kung magtatagal ang ganitong sitwasyon sinabi ni Quimbo na mas mahihirapang bumangon ang ekonomiya dahil hindi sisigla ang merkado kung walang pambili ang mga tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending