Dingdong bilib na bilib sa ugali ni Marian: Grabeng haba ng pasensiya niya! | Bandera

Dingdong bilib na bilib sa ugali ni Marian: Grabeng haba ng pasensiya niya!

Jun Nardo |June 18,2020
facebook
share this

Dingdong bilib na bilib sa ugali ni Marian: Grabeng haba ng pasensiya niya!

Jun Nardo - June 18, 2020 - 10:15 AM

Dingdong-Marian

SALUDO si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa pagkakaroon ng mahabang pasensya ng asawang si Marian Rivera. 

Ibinahagi ng “Descendants of the Sun” lead actor na bilib siya sa katangian na ito ng maybahay pagdating sa pag-aalaga hindi lamang sa kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy kundi pati rin sa kanya.

 Ani Dong, “Magkaroon ka ba naman ng mahabang presensiya tapos isang asawang makulit, ay talagang grabe ‘yung pasensiya niya.” 

Ayon kay Dingdong, nadiskubre niya ang ugali na ito ni Marian habang naka-quarantine silang pamilya ng ilang buwan. 

Bukod dito, marami rin silang pinagkakaabalahan sa bahay para maging productive ang bawat araw nilang mag-anak. At isa nga rito ay ang paggigitara at pagtugtog ni Dingdong kung saan kasama pa niya si Zia. 

 

 

                        * * *

Nakabuo ng “quarantine baby” ang mag-asawang singer at broadcast journalist na sina Aicelle Santos at Mark Zambrano, respectively.

      Proud na ibinandera ni Aicelle ang kanyang baby bump sa picture sa Instagram habang hinahalikan ni Mark.

      “You are our hope that this world will become better. We can’t wait to meet you, anak.

      “Your father and I love you so much. Chill ka muna diyan sa loob ha. Panginoon kayo na po ang bahala,” caption ni Aicelle sa kanyang post.

      Sa kaparehong picture sa IG ni Mark, ito naman ang message niya, “Napakaraming biyaya na ang aking natanggap mula sa Panginoon.

      “Ngayon, anak, ikaw ang pinakamalaki. Ikaw at ang iyong ina ang sentro ng aking bagong mundo.

      “Pangako na pupunoin ko ng pagmamahal at saya ang buhay ng ating maliit na pamilya. Kaunti na ang anak, magkikita na tayo.

      “Nagmamahal daddy Mark at mommy A.”

      Congratulations, Aicelle at Mark!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

                                   

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending