Megan sasabak sa online tournament para sa LGBTQ, HIV patients
IBABANDERA ni 2013 Miss World Megan Young ang kanyang galing bilang gamer sa pagsabak niya sa online gaming tournament laban sa drag queen na si Red Fernandez.
Bukod sa tiyak na masaya at mainit ang magiging laban sa pagitan ng dalawang “reyna”, paraan din ito upang magpalaganap ng kaalaman ukol sa equality for the LGBTQ community and HIV awareness advocacy.
Matagal na itong advocy ni Megan kaya naman tinanggap niya ang hamon bilan gamer upang makalikom ng pondo para sa mga nangangailangang LGBTQ members.
Lahat ng malilikom na pondo mula rito ay ido-donate sa Love Yourself Foundation para makabili ng HIV testing kits at gamot para sa mga taong living with HIV na mas lalong at risk ang kalagayan ngayong may pandemic.
“I’ll be up against Red. Red is a high rank player in the game that we’re going to play and ako, chill gamer,” ani Megan nang makachika namin kagabi sa digital presscon ng GMA para sa kanila ng asawang si Mikael Daez.
Kahit pa aminadong may tyansang maging seryoso ang battle, importante kay Megan na mag-enjoy lamang sa gaganaping tournament.
“My only tip that I can give you is to enjoy and parang larong magkakaibigan lang.”
Narito naman ang Instagram post ni Megan tungkol sa inaabangang tournament: “I’ve been vocal about my desire to use my influence as an ally to advocate equal rights for the LGBTQ+ community.
“This Pride Month, I’ve been given the opportunity to combine my passion for gaming and social issues with the help of TaskUs and LoveYourself. I’ve been learning about HIV awareness and I want to help end the stigma surrounding these conversations.
“Join Us at the @taskusph Facebook page on June 19, Friday at 6pm for an exhibition game for a cause. I will be up against @reddieferdie ❤️ Proceeds of the event will go to @loveyourself.ph to support their ongoing programs on HIV awareness and mental health. See you there!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.