SSS nagbabala sa mga online scammers | Bandera

SSS nagbabala sa mga online scammers

Leifbilly Begas - June 17, 2020 - 07:20 PM

SSS

NAGBABALA ang Social Security System sa publiko kaugnay ng mga post na mayroon umanong pa-raffle o cash bonus ang ahensya sa mga miyembro nito.

“Fake News ito,” saad ng inilabas na advisory ng SSS.

Pinag-iingat din ng SSS ang publiko sa mga online scammers o fixer na nag-aalok umano ng serbisyo kapalit ng transaction fee para sa pag-update ng member information, pagkuha ng SSS number, UMID card o Payment Reference Number, mag-apply ng pension loan at paglalakad ng claims.

“Ang mga serbisyong ito ay libre at maaari lamang gawin sa mga opisina ng SSS, sa My.SSS o SSS Mobile App. Mag-ingat din sa pagbibigay ng personal information,” saad ng SSS.

Ang publiko ay maaari umanong makipag-ugnayan sa SSS sa pamamagitan ng Facebook account nito (SSSPH), Twitter (PHLSSS), YouTube (MySSSPhilippines) Hotline (1455 or 1-800-10-2255-77 (toll free)) at Email ([email protected], [email protected], at [email protected] )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending