2 lugar sa Taguig City balik ECQ | Bandera

2 lugar sa Taguig City balik ECQ

Leifbilly Begas, Liza Soriano - June 17, 2020 - 07:06 PM

Taguig City Mayor Lino Cayetano

SIMULA alas-6 ng gabi ngayong araw ay isasailalim sa Enhanced Community Quarantine ang bahagi Taguig City.

Ayon sa Taguig City government magtatagal ang ECQ sa Purok 5 at 6 ng Lower Bicutan hanggang 6 ng gabi sa Hulyo 1.

Ipinatupad ang ECQ batay sa rekomendasyon ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU) na nagsagawa ng clustering ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 sa lugar.

Sa ilalim ng ECQ magiging limitado ang paglabas ng mga residente. Ang mga maaari lamang lumabas ay ang mga mayroong Taguig Unified Quarantine Pass na bibili ng mga pangunahing pangangailangan.

Papayagan namang lumabas ang mga empleyado ng mga establisyemento na nagbebenta essential goods.

Nanawagan ang lungsod sa mga tao na nakararanas ng sintomas ng COVID-19 na makipag-ugnayan sa Barangay Health Center sa pamamagitan ng TeleMedicine hotline sa numerong 0927-633-1095, 0961-734-0881, at 0961-734-0852.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending