Alden nagpakitang-gilas sa online game; Sanya, Jak 'bida-bida' sa TikTok | Bandera

Alden nagpakitang-gilas sa online game; Sanya, Jak ‘bida-bida’ sa TikTok

Ervin Santiago - June 16, 2020 - 09:32 AM

Alden

TINUTUKAN ng fans and social media followers ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang una niyang online game stream sa #ARGaming.

Napanood ito sa official Facebook page ng Kapuso actor-TV host kung saan naglaro siya ng Mobile Legends at Ragnarok.

Kuwento ni Alden sa stream, “Ever since I was young, I was a gamer. Gamer na kami ng kuya ko. So, iba eh. Parang it’s a different world.”

Advice naman ng “Centerstage” host sa mga tulad niyang mahilig sa online games, dapat ay magkaroon ng tamang balanse sa oras kapag naglalaro, “Perfect balance lang. Dapat balanse lang. Ako kaya lang naman ako bugbog sa online games gawa ng quarantine.”

Bago matapos ang stream, nag-iwan ng paalala si Alden sa mga nanood sa kanya na manatiling ligtas mula sa banta ng COVID-19, “Sa mga nasa bahay ngayon, stay safe, stay at home, manood ng stream. At gumawa ng makabuluhang bagay.”

                                                                                                     * * *

Aliw na aliw ang netizens sa mga TikTok videos ng “Bida-bida sibs” na sina Sanya Lopez at Jak Roberto.

Sa bago nilang kulitan video na mapapanood sa kanilang YouTube channel, ipinakita na nagsisilbing dance instructor ni Sanya ang kapatid na si Jak.

Sey ng aktres, “Nagpaturo ako sa bida bida kong kuya ng mga dance challenge sa TikTok, eto kinalabasan. Medyo parang mas litong-lito s’ya sa akin. Ha-hahaha.”

 Nakakatuwang panoorin si Jak na tila expert sa mga patok na dance steps, at isa na rito ang sayaw na “Savage.” Itinuturing nina Sanya at Jak na bonding moments ang mga vlogs nila at ngayon ay pati na rin ang pag-eensayo ng mga viral mga dance craze ng TikTok.

Samantala, kasalukuyang napapanood si Sanya bilang si Danaya sa rerun ng “Encantadia” sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending