Pacquiao paghahandaan ng mga kalaban sa 2022 presidential elections | Bandera

Pacquiao paghahandaan ng mga kalaban sa 2022 presidential elections

Cristy Fermin - June 16, 2020 - 09:21 AM

 

MABUTI naman at sa maagang panahon pa lang ay nilinaw na agad ni Senador Manny Pacquiao ang pinalutang na kuwento ng kanyang promoter na si Bob Arum tungkol sa kanyang planong pampulitika.

    Nabulabog ang mundo ng pulitika sa sinabi ng promoter na pinag-usapan daw nila ng Pambansang Kamao ang pagtakbo niya sa panguluhan sa taong 2022.

    At ang hindi pa kagandahan sa panlasa ay ang sinabi diumano sa kanya ni Pacman na sana, sa kanyang inagurasyon, ay nandito ang kanyang promoter para makisaya sa kanya.

    Napakalayong paglundag nu’n kung tutuusin, hindi pa man ay deklarado na ang kanyang pagtakbo sa pinakamataas na posisyon sa ating bayan, mapaghahandaan siya ng kanyang mga kalaban.

    Sabi ng isang kaibigan namin, “Napakaaga naman yatang pagbubunyi ‘yun, kung totoo ngang sinabi ni Senator Pacquiao kay Bob Arum na dapat, e, nandito ang promoter niya sa inauguration niya!

    “Ano ‘yun, sigurado na siyang mananalo siyang presidente? Mabuti at nilinaw niya, in bad taste ‘yung sinabi ni Bob Arum, napaka-assuming,” sabi ng aming kausap.

    Matindi ang laban sa mundo ng pulitika, siguro’y alam na ngayon ni Senador Pacquiao na hindi tulad ng boksing ang pinasok niyang bagong mundo.

Sa lona ay isa lang ang kalaban niya sa pagpapalitan ng mga suntok pero sa pulitika ay buong bayan ang makikisawsaw sa kanyang paglahok sa panguluhan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending