Sikat na TV host-comedian girl na girl sa kandungan ng dyowang male celeb | Bandera

Sikat na TV host-comedian girl na girl sa kandungan ng dyowang male celeb

Cristy Fermin |June 16,2020
facebook
share this

Sikat na TV host-comedian girl na girl sa kandungan ng dyowang male celeb

Cristy Fermin - June 16, 2020 - 09:11 AM

TOTOO namang napakasuwerte ng isang male personality na parang binagsakan nang sangkatutak na biyaya nang makarelasyon niya ang isang sikat na komedyante-TV host.

    Tapos na nga naman ang kanyang pagsali sa kung anu-anong male contest para lang kumita para sa kanyang pamilya, nandiyan na ang kanyang karelasyong bukod sa sikat ay super-yaman pa, hindi siya pababayaan nito sa kanyang pangangailangan.

    Pero sa kabila ng pangnenega ng marami sa male personality ay isa lang ang sinabi ng aming source, “Ano ang magagawa nila, e, sa kung talaga namang mahal nu’ng sikat na personality ang guy?

    “Ano ang magagawa nila kung mahusay mag-alaga ‘yung male personality? Marami nang nakarelasyon ‘yung sikat na TV personality, pero hindi ganito sa pinakahuling boyfriend niya!

    “Siya lang ang nakadisiplina sa TV personality, siya lang ang nakapagpaunawa sa partner niya na mas mahalaga ang sarili niya kesa sa pagbababad sa mga bar!

    “Sobra nga naman siyang magtrabaho, kayod siya nang kayod, tapos, gagamitin pa niya ang natitira niyang oras sa pagpunta-punta sa bar?

    “Siyempre, hindi gusto ng mga taong dating nakakasama ng TV personality sa pagba-bar ang ganu’n! Naiinis sila sa male personality, dahil biglang nganga sila!

    “Pero ang health lang naman ng karelasyon niya ang hangad nu’ng male personality, di nga ba’t nagkasakit na siya dahil sa sobrang kapaguran sa work, tapos, e, wala pa siyang pahinga, bar hopping pa rin ang inaatupag niya nu’n kasama ang mga kabarkada niya?” paliwanag ng aming impormante.

    Natagpuan na ng sikat at mayamang TV personality ang kanyang kaligayahan. Girl na girl na ang pakiramdam nito ngayon dahil sa masarap na pag-aalaga ng kanyang partner.

    “Sorry na lang sa ibang lalaki d’yan na datung lang naman ang inaasinta sa TV personality, kinabog sila ng isang lalaking mula lang sa kung saan, pero sinuwerte sa buhay. Ang ganda, di ba naman?” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending