P9M ecstacy nasabat | Bandera

P9M ecstacy nasabat

Liza Soriano - June 15, 2020 - 04:39 PM

AABOT  sa P9 milyong halaga ng ilegal na party drug na ecstacy tablet, na itinago sa ‘paper shredders ang nasabat ng Bureau of Customs sa ginawang pagsalakay sa isang  bodega sa Pasay City.

Sa ulat ng BOC, nasa 5,205 tableta ng ecstacy ang kanilang nasamsam sa DHL warehouse sa naturang lungsod.  

Itinago ang mga tableta sa isang paper shredder na nagmula sa United Kingdom at naka-consign sa isang suspek na taga-Pasig City.

Nagsasagawa ng document check at physical examination sa kargamento sa DHL warehouse sa Pasay City nang mapansin ang hindi magkakatugmang impormasyon dahilan para madiskubre ang droga.

Sa pagtaya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), aabot sa P9 milyon ang halaga ng mga nasabat na tableta. Ipinasa na ito ng BOC sa PDEA para sa kaukulang pagsusuri at imbestigasyon.

Nakatakdang habulin ngayon ng PDEA ang consignee ng kargamento na mahaharap sa kasong paglabag sa Section 1401 (Unlawful Importation) sa ilalim ng Customs Modernization and Tarrifs Act at RA 9165 0 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending