Coco sunud-sunod ang gagawing pasabog sa pagbabalik ng Probinsyano
PASABOG ang trailer ng FPJ’s Ang Probinsyano na mapapanood na muli starting at 8 p.m. tonight sa Kapamilya Channel, iWant, Cinemo, at TFC.
Sa napanood naming trailer, talagang pinaghandaan ng number one teleserye ang kanilang pagbabalik.
Umaatikabong action ang mapapanood ng avid televiewers. Ang nakakaloka pa, may foreigners na actors pang involved.
Going international ang teleserye ni Coco Martin. At hindi tinipid ang budget, ha. Pasabog kung pasabog ng kotse talaga sa isang eksena.
Sa social media, winelkam si Coco ng netizens. Grabe ang kanilang pananabik sa show ng actor kaya naman super congratulate sila sa Kapamilya actor.
Imagine nga naman, almost three months na nawala sa ere ang FPJ’s Ang Probinsyano due to COVID-19 pandemic, idagdag pa ang pagpapasara sa ABS-CBN.
“Welcome back idol coco martin sobrang saya po namin sa muli niyong pagba2lik! mabuhay po kyo god blez po @stay safe po we luv u coco.”
“Yes po kita kita po tayo mamaya na pong gabi salamat po ng marami sa Ang Probinsyano staff sa inyong pag babalik po keep safe po always kay Mr. Coco Martin God bless po sa inyo at sa inyong katatagan po.”
“Welcome back Coco, marami kayong pinasasayang tao. Sa pagbabalik mo buhay na buhay na naman mga fans mo. We love u Coco.”
“Idol kitakits tayo sa TFC ka sa living room couch kami ng American friend ko. nag hihintay din sya sa pagbabalik mo. Kahit hindi naiintidihan ang words sa action alam nya bawat episode tutok na tutok sya Monday to Friday Kasi believe sya sa tapang mo at nagustuhan nya ang teleserye na ang Probinsyano..idol ka nya Cardo.”
“MGA KABABAYAN….CARDO NA MAMAYANG GABI… ABANGAN NA PO NATIN… SABAY-SABAY TAYONG MANOOD…EXCITED NA PO KAMI.”
“Tama yan Dalisay Sweet Smile ang Ganti sa Taong Walang Pagmamalasakit Sa Kapwa Para Matututo Sila sa Halimbawa mo FPJ Ang Probinsyano Champion talaga.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.