Piolo naiyak sa message ni Momshie Amelia: Mama’s boy kasi ako, eh!
HINDI napigilang maiyak ni Piolo Pascual nang hingan ng mensahe para sa kanyang ina sa unang episode kanina ng “Magandang Buhay” sa Kapamilya channel.
“Napakaaga naman nito,” sabi ni Piolo habang bumubuwelo para sambitin ang kanyang mensahe sa kanyang Momshie Amelia.
Bago magbigay ng mensahe sa kanyang ina ay nauna munang nagparating si Momshie Amelia ng message para sa aktor. Nagpasalamat ito sa kanya via a video na kinunan sa resthouse ng Kapamilya star sa Mabini, Batangas.
Sabi ni Momshie Amelia, “Thank you for spending a simple and quiet quarantine time with me. Sad lang dahil sa ngayon marami pa rin ang maysakit. Sana matapos na ‘to at makabalil na sa normal at makabalik na yung mga tao sa trabaho.
“Ngayon, back to work ka na. I wish you good work and I pray for your safety and good health. Ingat palagi. Alam mo naman anak, Mommy loves you,” sabi ni Momshie Amelia.
Pagbalik kay Piolo ng kamera, halatang namumula na ang mukha ng aktor dahil tinamaan nga sa mensahe ng kanyang ina.
“Mama’s boy kasi ako, eh. You know, I grow up being a Mama’s boy,” pag-amin ni Piolo.
Feeling daw niya, five years old ulit siya na gustong maglambing at yakapin ang ina matapos marinig ang mensahe for him.
“Hindi ko mapigilan (maiyak) ‘yan…ang aga-aga,” mas lalo pang namula ang mukha ni Piolo at gustong ikubli sa kamera.
“Same thing, actually. Same thing my son (Iñigo Pascual) said when I saw him the other day. Sabi niya, instantaneously when he saw me, when he entered the dressing room. Sabi niya, ‘I felt like a kid again.’
“So, parang ganoon tayo. We have that instinct na kapag nakita mo ang nanay mo, tatay mo, you’ll always be a baby,” lahad ni Piolo.
So, when asked again to give a message for his mom, nakayuko at garalgal ang boses niya. Halatang pinipigil ni Piolo na bumuhos ang luha at emosyon niya para sa kanyang Momshie.
“You want them to live longer. You don’t want them to focus getting old, you know. And you want to give them beautiful memories. So, yun, eh. Ibinabalik mo lang yung ibinigay sa ‘yo, kaya ko ‘to,” sabi ni Piolo habang pinipigil ang pag-iyak.
“Uh, kaya ko ‘to, no matter what happens Mommy, we’ll always be around (ng mga kapatid ko). Hinding-hindi ka namin pababayaan. Kulang pa yung pwede naming ibigay for all the things you’ve done for all of us. It will never be enough. We just want to thank you for everything you’ve done for us. ‘Yun lang. I love you, Mommy,” mensahe ni Piolo sa kanyang ina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.