Tourism sector dapat ihanda sa paghupa ng COVID | Bandera

Tourism sector dapat ihanda sa paghupa ng COVID

Leifbilly Begas - June 15, 2020 - 03:27 PM

DAPAT umanong bigyan ng prayoridad ng gobyerno ang tourism-related infrastructure upang maging handa ang bansa sa pagtanggap ng mga foreign visitors kapag humupa na ang banta ng coronavirus disease 2019.

“Talagang may mga challenges pero nakikita namin na may opportunity dito sa tourism if we can put a big sum of money sa tourism-related infrastructure,” ani House Speaker Alan Peter Cayetano.

Maaari umanong gamitin ng Department of Tourism ang pagkakataon upang pag-aralan ang mga ginawa ng ibang bansa na magiging angkop sa Pilipinas upang tumaas ang bilang ng mga dayuhan na bumibisita sa bansa.

“Merong mga systems that can be put in para kung one year or one year and a half o kahit two years abutin ang COVID, after that handing handa na ang ating bansa at bawat sulok ng ating bansa na may tourism industry to get back on track,” saad ni Cayetano.

Bago nag-adjourn ang sesyon, inaprubahan ng Kamara de Representantes ang Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy (ARISE) kung saan P58 bilyong pondo ang inilaan para buhayin ang tourism sector na labis na naapektuhan ng pandemya.

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) umabot sa P60.25 bilyon ang nawalang kita sa tourism sector sa loob ng dalawang buwang enhanced community quarantine.

“With the passage of the stimulus package, we can help save lives and livelihood of the Filipinos and channel our investment to the hardest-hit sectors of the economy, such as the tourism sector,” dagdag pa ni Cayetano.

Kasama rin sa ARISE ang mga programa upang maproteksyunan ang trabaho ng 15.7 milyon at malikha ng 3 milyong short-term job at 1.5 milyong infrastructure jobs sa loob ng tatlong taon at matulungan ang 5.57 milyong empleyado sa Micro, Small, and Medium Enterprises.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending