Dingdong: Kailangang makahanap ng paraan para sa mga nawalan ng trabaho sa showbiz | Bandera

Dingdong: Kailangang makahanap ng paraan para sa mga nawalan ng trabaho sa showbiz

Ervin Santiago - June 12, 2020 - 02:17 PM

DINGDONG DANTES

NANINIWALA si Dingdong Dantes na sa kabila ng matinding hamon na kinakaharap ng showbusiness, may maganda at exciting future pa ring naghihintay sa mga taga-industriya.

Aminado ang Kapuso Primetime King na talagang mahirap ang buhay ng mga artista ngayon, lalo na mga taga-production dahil sa halos tatlong buwang walang trabaho dahil sa quarantine.

Ayon kay Dong, isang malaking challenge ngayon sa movie and television industry kung paano reresolbahan ang problema ng more than 800,000 entertainment workers na apektado ng COVID-19 crisis.

Sa “Onwards and Upwards” episode ng Fireside Live Web Chat sa YouTube, sinagot ni Dingdong kung ano ang saloobin niya sa hinaharap ng showbiz at paano makaka-recover ang lahat ng mga nawalan ng kita dahil sa lockdown.

“Yung industriya namin is really one of the baddest or worst hit na industriya. Kasi siyempre, yung nature ng trabaho namin inevitable yung aksyon, yung interaction,” simulang pahayag ng Kapuso actor-TV host.

Nabanggit ng aktor ang ipinatutupad ngayong post-quarantine protocol kung saan limitado na ang taong puwedeng magtrabaho sa set ng isang TV show o movie.

Aniya, “So just to give you an idea, on a normal shooting or taping day, we have around 150 to 200 hundred people on set.

“Pero with the new guidelines that DOH had released, ili-limit na nila ngayon to around 50 to a maximum of 70. So imagine the amount of people na mawawalan ng trabaho.

“And the greatest challenge is, of course, how to find alternative jobs for these people.

“Hindi naman lahat kasi ng mawawalan ay yung nasa staff or crew. Siyempre, pati yung actors.

“Because if you’re gonna scale down and use skeletal crew and the skeletal efficient work force.

“Like I said, nag-level yung playing field because yung vulnerability at yung danger is the same and equal to everyone, regardless of stature,” paliwanag pa ng mister ni Marian Rivera.

Kailangan daw makahanap ng iba pang platform ang mga producers  para kumita pa rin ang mga manggagagawa sa showbiz sa “new normal”.

“We really have to find ways kung paano ma-deliver yung messages, kung paano makapag-entertain.

“We have the online platforms like Netflix and iFlix. Although Netflix, hindi naman siya pagmamay-ari ng Pilipinas or ng local. iFlix is also regional,” dagdag pa ni Dong.

Hindi naman daw nawawalan ng pag-asa si Dingdong, “I hope that we can have more similar platforms para maipalabas yung television shows, even movies lalo na.

“Because imagine, pupunta ka ba sa sinehan nowadays knowing that there is a risk for you to get infected?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, in the age and this time where everyone is adapting and adjusting, I’m sure because it’s the creative industry, they will find creative solutions,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending