Coco napasugod sa Senado; Lito Lapid babalik sa Probinsyano? | Bandera

Coco napasugod sa Senado; Lito Lapid babalik sa Probinsyano?

Ervin Santiago - June 11, 2020 - 04:14 PM

BAKIT nga ba napasugod ang Teleserye King na si Coco Martin sa opisina ni Sen. Lito Lapid?

Mabilis na kumalat sa social media ang pagbisita ng Kapamilya actor kay Sen. Lapid nitong nakaraang araw kaya naman marami ang na-curious kung bakit nagkita ang dalawang aktor.

Ayon sa isang source, talagang sinadya ni Coco na puntahan sa Senado ang actor-politician para sa bago nilang kolaborasyon. Nanghingi ng  payo at mga new ideas si Coco sa senador para sa pagbabalik-taping ng “FPJ’s Ang Probinsyano”.  

Balitang napag-usapan ng dalawang aktor ang tungkol sa mga bagong twist sa pagpapatuloy ng kuwento ni Cardo Dalisay, ang karakter ni Coco sa Kapamilya series na Ang Probinsyano. May mga suggestions daw na ibinigay si Sen. Lapid kay Coco para mas maging exciting ang pagbabalik ng serye.

Nangako rin daw ang actor-politician na kapag may libreng oras ay pwede siyang maging consultant director ng serye dahil priority pa rin niya siyempre ang kanyang trabaho sa Senado.

Kung matatandaan, nagmarka ang senador sa action series ni Coco bilang si Pinuno ngunit napilitan ngang mag-resign dahil tumakbo siya sa eleksyon last year.

Samantala, pinayuhan din ni Sen. Lapid si Coco na mas habaan pa ang pasensiya pagdating sa pagharap sa mga banat ng netizens. Aniya,  hayaan na lang daw ng aktor ang mga pamba-bash sa kanya ng haters dahil isa rin siyang public figure.

Mapapanood na uli ang Probinsyano simula sa Hunyo 15 sa Kapamilya Channel sa iba’t ibang cable network at sa Cinemo ng TVPlus.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending