Sharon sa tumawag kay Kiko ng unggoy: Nakakahiya naman sa 'yo kung kamukha mo si Brad Pitt o Angelina Jolie. Awwww! | Bandera

Sharon sa tumawag kay Kiko ng unggoy: Nakakahiya naman sa ‘yo kung kamukha mo si Brad Pitt o Angelina Jolie. Awwww!

Ervin Santiago - June 09, 2020 - 08:11 AM

Sen. Kiko-Sharon and kids

NAPA-BEAST mode muli si Megastar Sharon Cuneta nang mabasa ang panglalait ng isang netizen kay Sen. Kiko Pangilinan.

Pati ang anak nila ng senador na si Frankie Pangilinan ay umalma rin sa ginawang pang-iinsulto ng trolls sa kanyang ama.

Unang nag-react si Frankie sa basher na tumawag sa senador ng “Kiko unggoy”. Ipinost niya ang comment na ito sa kanyang Twitter account na may kalakip na artcard.

 “If you block them just because their beliefs differ from yours then you’re against free speech,” ang nakasukat sa quote card ng dalaga.

Isang netizen naman ang nang-asar kay Frankie kung mas gusto nitong  “Kiko Matsing” ang itawag sa amang senador na ang tinutukot ay ang sikat na puppet monkey sa dating children’s show sa TV na Batibot.

Tugon ni Frankie, mas tamang tawagin ang kanyang tatay sa pangalan nitong Kiko Pangilinan.

Napa-comment din si Mega sa post ng anak at pinagalitan ang hater. Ang lakas daw ng loob nitong tawaging unggoy ang asawa, e  hindi nga nito maipakita ang tunay niyang itsura sa kanyang account.

 “Patingin naman ng pikchur mo.

“Tapang mo magsabi ng ‘unggoy’ eh nakakahiya naman sayo kung kamukha mo si brad pitt o angelina jolie. Awwww!

“That’s for the troll who said your dada’s a meenki,” pahayag ni Mega.

Ayon naman sa ilang netizens, huwag na raw patulan ng mag-ina ang mga trolls dahil dito raw sila kumikita. 

Hangga’t sinasagot at pinaglalaanan daw nila ng panahon ang mga bashers na ito ay lalo lang silang ginaganahang mam-bash. 

Kamakailan, sinabi ni Frankie na naaawa rin siya sa mga trolls na kumapit na sa patalim at pumayag magpagamit para lang kumita ng pera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sometimes i have sympathy for trolls, who probably just took up the job in desperation. i feel for you. i’m sorry the desperation has taken you this low. the government you’re defending owes you more,” pahayag ni Frankie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending