3 trak nagkarambola: 4 patay, 6 sugatan | Bandera

3 trak nagkarambola: 4 patay, 6 sugatan

- June 08, 2020 - 05:01 PM

APAT katao ang nasawi at anim pa ang nasugatan nang magkarambola ang tatlong malaking trak sa Tuba, Benguet, kaninang umaga.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawi, pati na ang mga nasugatan na dinala sa pagamutan sa Baguio City, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.

Naganap ang insidente sa bahagi ng Marcos Highway na sakop ng Bontiway, Brgy. Poblacion, dakong alas-4.

Minamaneho ni Mark Collantes sa pababang bahagi ng kalsada ang trak ng basura (SKR-634) ng lungsod ng Baguio, nang sumalpok sa likod ng sinusundang dump truck (NFZ-7477) na dala naman ni Merson Manalastas.

Sa lakas ng impact, naitulak ang dump truck at sumalpok naman ito sa kasalubong na trailer truck (RHK-439), na noo’y minamaneho ng di pa kilalang driver paakyat ng Baguio.

Nagtuluy-tuloy naman ang trak ng basura sa kanang bahagi ng kalsada at doon sumalpok sa concrete barrier bago tumagilid, ayon sa pulisya.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na bago ang insidente’y bigla na lang nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng naturang trak.

– end –

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending