Dummy Facebook account dahil sa 'system glitch'- NBI | Bandera

Dummy Facebook account dahil sa ‘system glitch’- NBI

- June 08, 2020 - 02:56 PM

MAAARING system glitch ang dahilan ng pagkakaroon ng duplicate at blank accounts sa Facebook,  ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) Lunes.

Sinabi ni NBI Cybercrime Division chief Victor Lorenzo na may safeguard ang Facebook para maiwasan ang biglaang paggawa ng maraming parehong account sa maikling panahon.

“Ang tinitingnan namin ngayon, in all probability, glitch lang ito dahil napakahirap magcreate ng accounts ngayon sa Facebook especially pag madami kang kine-create na account under one ID, one cellphone number, one location,” ani Lorenzo sa panayam ng ABS-CBN’s Teleradyo.

Sinabi rin niya na ang system ng Facebook na nakabase sa United States ay maaaring binaha ng mga protesta laban sa police brutality at racism dahil sa pagkamatay ni George Floyd, ang 46-anyos na black man at namatay matapos tuhurin ng matagal sa leeg ng Minneapolis police.

“Machine lang naman ‘yan eh. Hindi imposible na mangyari na magkaroon ng glitch,” aniya

Makikipagugnayan ang NBI sa Facebook at ibang ahensyang may kinalaman para imbestigahan ang pangyayari, dagdag ni Lorenzo.

Base sa unang mga ulat, bikitma ng duplicate accounts ang mga university stuadents at alumni ngunit sinabi ni Lorenzo na lumabas sa mga sumunod na report na apektado maging ang mga tao sa labas ng academe.

Ang mga mahuhuling gumawa ng duplicate account ay makakasuhan ng identity theft sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012 at mapaparusahan ng anim hanggang 12 taong pagkakakulong, ayon kay Lorenzo.

Nagbabala rin ang NBI official sa publiko na posibleng ma-hack ang social media accounts sa pamamagitan ng  phishing.

Aniya, dapat maging alerto ang mga tao sa suspicious messages na naglalaman ng links na humihingi ng log-in details.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“May ipapaclick sila sayo, either photograph or kahit anong message, tapos akala mo ma-la-log out ka, tapos irerequire ka nila mag-log-in ulit. Hindi mo alam nasa hackers na pala yung pinakapage na ‘yun so makukuha nila ‘yung log-in credentials mo,” sabi ni Lorenzo.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending