Immigration office isinara, empleyado nagpositibo sa COVID
ISINARA ang main office ng Bureau of Immigration sa Intramuros, Manila matapos magpositibo ang isang empleyado nito sa coronavirus disease 2019.
Ipinag-utos ni BI Commissioner Jaime Morente sa general services section ng ahensya ang agarang disinfection at sanitation ng gusali.
“We have decided to temporarily close our main office to protect not only our employees but that of the transacting public as well against this deadly virus,” ani Morente.
Ang mga mayroon umanong appointment ay pasasabihan kung kailan maaaring bumalik.
Patuloy naman ang operasyon ng satellite at extension office ng BI sa Metro Manila.
Ayon kay BI acting spokesperson Melvin Mabulac ang empleyado na nagpositibo ay kabilang sa daan-daang empleyado na sumailalim sa rapid antibody test noong nakaraang linggo.
“He initially tested positive in the rapid test conducted last June 2 so he was subjected to a confirmatory swab test. The test result showing he has the virus came out last Saturday,” ani Mabulac.
Ang mga kasamahan ng naturang empleyado ay sasailalim sa mandatory test upang matukoy kung sila ay nahawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.