6 COVID-related bills inaprubahan ng Kamara | Bandera

6 COVID-related bills inaprubahan ng Kamara

Leifbilly Begas - June 05, 2020 - 02:33 PM

Kamara

INAPRUBAHAN ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang anim na panukala na magagamit ng gobyerno upang labanan ang epekto ng coronavirus disease 2019 bago ito nag-adjourn ngayong araw.

“As promised, we worked round the clock to ensure the approval of major anti-COVID measures that were filed in the House of Representatives. I thank my fellow House Members for rising to the challenge of the times, working until 12 midnight and attending sessions that lasted until Thursday and Friday,” ani House Majority Leader Martin Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na mahalaga ang mga panukalang ito lalo at inamin ng Department of Labor and Employment na maaaring umabot sa 10 milyon ang mawawalan ng trabaho.

Inaprubahan ng Kamara ang P1.3 trilyong Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy of the Philippines (ARISE Philippines Act) na magagamit umano upang mabawasan ang mga mawawalan ng trabaho sa Micro, Small and Medium Enterprises.

Pasado na rin ang panukalang Crushing COVID-19 Act (HB 6865) para sa malawakang baseline Polymerase Chain Reaction (PCR) testing sa vulnerable sector.

Naipasa na rin ang panukalang COVID-19-Related Anti-Discrimination Act (HB 6817) na magbibigay ng proteksyon sa mga nahawa o pinaghihinalaang nahawa at mga frontline health workers laban sa diskriminasyon.

Inaprubahan din ang panukalang Financial Institutions Strategic Transfer (FIST) Act (HB 6816) upang matulungan ang mga financial institutions na naapektuhan din ng COVID pandemic.

Gayundin ang pag-amyenda sa “An Act To Lengthen the School Calendar From Two Hundred Days to Not More Than Two Hundred Twenty Class Days” (HB 6895) upang maaaring palitan ng Pangulo ang araw ng pasukan sa panahon ng emergency o state of calamity kung kinakailangan.

Ang huling naipasa ay ang COVID-19 Unemployment Reduction Economic Stimulus (CURES) Act of 2020 (HB 6920) na naglalaan ng P1.5 trilyon sa loob ng tatlong taon para magamit sa infrastructure projects sa sektor ng kalusugan, edukasyon, agrikultura, livelihood at mga lokal na kalsada.

Naipasa naman sa ikalawang pagbasa ang Better Normal for the Workplace, Communities and Public Spaces Act of 2020 (HB 6864) na maghahanda sa pagbabago sa nakagawiang pamumuhay dahil sa COVID-19.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending