MAS bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa, ayon sa Philippine Statistics Authority.
Naitala ito sa 2.1 porsyento noong Mayo, mas mababa sa 2.2 porsyento na naitala noong Abril.
Ito rin ang pinakamababa na naitala ngayong taon. Noong Enero ang inflation rate ay 2.9 porsyento, 2.6 porsyento noong Pebrero at 2.5 porsyento noong Marso.
Mas mababa rin ang naitala noong nakaraang buwan kumpara sa kaparehong buwan noong Mayo na 3.2 porsyento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending