Gender-based violence bumaba sa panahon ng lockdown pero…
BUMABA umano ng 50 porsyento ang gender-based violence (GBV) sa panahon ng lockdown batay sa datos ng otoridad subalit maaari umano na ito ay dahil din sa hindi makalabas ng bahay ang mga biktima para magreklamo.
Sa kanyang presentation sa pagdinig ng House committee on Women and Gender Equality, sinabi ni Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) chief, Police Brigadier General Alessandro Abella na mula Marso 15 hanggang May 31, 2020 ay 4,030 gender-based case ang kanilang naitala.
Ito ay mas mababa ng 57 porsyento kumpara sa 9,294 kaso na nai-rekord sa kaparehong panahon noong 2019.
Nakapagtala rin ng pagbaba sa kaso ng rape na naitala sa 809 kumpara sa 2,018 noong nakaraang taon, child abuse mula 2,641 ay bumaba sa 1,055 at domestic violence mula 3,621 ay naging 1,752.
Ang mga kaso ng violence against women (VAW) na naitala ay 2,131 sa panahon ng lockdown mas mababa sa 3,558 na naitala mula Enero 1 hanggang Marso 14.
Ayon kay Abella maaari na ito ay pansamantala lamang o kaya ay dahil sa bawal lumabas ang marami upang magsumbong noong lockdown.
“A drop in reported cases does not mean a drop in GBV incidents as the data only reflects cases lodged at police stations,” ani Abella.
“There is a realistic possibility that domestic GBV cases will increase because of the proximity of the abuser to the victim. Our expectation is that these cases will be reported at a much later date,” dagdag pa nito.
Dahil nasa bahay ang karamihan, pinangangambahan umano ang pagtaas ng pang-aabuso sa mga menor de edad.
“There is a realistic possibility of an increase in the number of minors engaged in taking and sharing self-generated indecent images,” saad ng opisyal.
Mula Marso 15 hanggang Mayo 31, ang WCPC ay nagsagawa umano ng 12 operasyon na nagresulta sa pagkaaresto sa siyam katao at pag-rescue sa 43 indibidwal.
Ayon naman kay Democratic Socialist Women of the Philippines (DSWP) head Elizabeth Angsioco tumaas ang “vulnerability to VAW” dahil sa lockdown.
“When you are with your abuser 24/7, it’s not surprising that VAW cases would exacerbate. There is difficulty in seeking help, with including reporting because of the absence of transportation, the restrictions in terms of mobility, and also facilities that can help are closed or too overstretched because of COVID-19. This is the feedback that we get from communities,” ani Angsioco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.