Enchong balak mag-rally kontra anti-terror bill; Agot, Solenn, Nadine may panawagan din | Bandera

Enchong balak mag-rally kontra anti-terror bill; Agot, Solenn, Nadine may panawagan din

Ervin Santiago - June 03, 2020 - 02:09 PM

MATAPANG na nagpahayag ng pagkontra ang ilang celebrities sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Bill kasabay ng panawagan na agad itong ibasura.

Natatakot sila sa maaaring mangyari sakaling maipatupad na ito sa bansa dahil sa mga hindi makatarungang probisyon na nakasaad dito.

Ilan sa mga artistang nangangamba na baka maabuso ang Anti-Terrorism Bill ay sina Enchong Dee, Nadine Lustre, Solenn Heussaff, Isabelle Daza, Agot Isidro at Janine Gutierrez.

Aprubado na sa second reading ng Kamara ang House Bill 6875, isang araw matapos sertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang “urgent bill”.

Ilan sa mga probisyon na nakasaad sa Anti-Terrorism Bill ay ang pagpayag ng pamahalaan na magsagawa ang mga otoridad na magsagawa ng 60-90 days surveillance sa mga hinihinalang sangkot sa terorismo.

Pwede ring arestuhin ang isang indibidwal kahit walang arrest warrant na pinaghihinalaang nanghihikayat, nagpaplano, o magsasagawa ng terrorist act.

Maaari ring ikulong ng 14 hanggang 24 days (dati’y tatlong araw lang) ang naarestong tao nang walang warrant.

At bukod dito, sa bagong bill, hindi na pagbabayarin ng P500,000 multa ang pulis sa bawat araw na ikinulong ang maling suspek.

Dahil dito, natatakot ang ilang kilalang artista sa magiging impact nito sa publiko at sa bansa. Tulad na lang ni Isabelle Daza na ni-repost pa ang mga bagong probisyon ng Anti-Terrorism Bill sa kanyang Instagram Stories.

Mababasa rito ang mga impormasyong: “Wiretapped for 60 to 90 days.”

“Arrested without a warrant.”

“Detained for up tp 24 days.”

“12 years to life imprisonment.”

“Not eligible for P500K reparations in damage per day for wrongful detention.”

Ni-repost naman ni Nadine Lustre ang artwork ng artist-photographer na si Zonlee kung saan ipinakikita ang panawagan sa pagbasura sa Anti-Terrorism Bill.

Samantala, nanawagan naman si Solenn sa mga netizens na mag-sign sa #JunkTerrorBill petition.

Isang quote card naman na naglalaman ng pahayag ni former US President Harry Truman tungkol sa “principle of silencing the voice of opposition” ang ipinost ni Enchong Dee sa kanyang IG Stories.

Ang pamahalaan daw ay, “in a rush to pass the ‘anti-terror bill’ that will be able for the government to arrest us anytime without warrant from simply opposing their policies or beliefs.”

Bukod dito, nag-tweet din ang Kapamilya actor tungkol dito at nagtanong kung pinapayagan na ba ang mag-rally sa general community quarantine.

“Ano yung tamang paraan ng pag-rally ngayong GCQ? Gawin ko na bago ipasa yung anti-terror bill kasi kayang kaya na nila ako ikulong kong trip nila,” mensahe ni Enchong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito naman ang matapang na tweet ni Agot Isidro, “Only cowards are afraid of dissent. #JunkTerrorBillNOW.”

Nauna nang nanawagan si Janine Gutierrez sa netizens na suportahan ang #JunkTerrorBill online petition ng Defend UPLB, “JUNK THE ANTI-TERRORISM BILL AND UPHOLD HUMAN RIGHTS!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending