Pamamahagi ng cash aid sa 11K mag-aaral ng Las Piñas sinimulan | Bandera

Pamamahagi ng cash aid sa 11K mag-aaral ng Las Piñas sinimulan

Liza Soriano - June 02, 2020 - 05:41 PM

ITINURN-over ngayong araw ang P11-milyon sa Las Piñas school division para sa cash assistance ng 11,000 na nagtapos mula sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Personal na tinanggap mula kay Mayor Imelda “Mel” Aguilar ni Acting Las Piñas City School Division Superintendent Dr. Joel Torrecampo ang tulong pinansiyal para sa nakapagtapos sa nakaraang School Year 2019-2020.

“Ngayong araw po ay pinapakuha ko na sa mga principals ang cash aids ng mga nasasakupang graduates para sa pagsisimula ng pamamahagi sa darating na Huwebes,” ani Torrecampo.

Bawat graduate ay tatanggap ng P1,000 na tulong pinansyal mula kay dating Mayor Vergel “Nene” Aguilar.

“Walang pinakamagandang regalo sa ating kabataan kundi edukasyon. Gusto ko lang makatulong sa mamamayan ng Las Pinas,” ayon sa dating alkalde.

Kabilang sa mapagkakalooban ng cash aid ang mga nagtapos sa elementary, senior high school at Dr. Filemon C. Aguilar Memorial College (DFCAM).

“Ang financial aid ay para makatulong sa mga graduating students at kanilang magulang na apektado ng krisis,” pahayag pa ng dating alkalde.

Batay sa datos ng lokal na pamahalaan, nasa 8,401 ang nagtapos sa elementarya, 2,173 sa senior high school, at 284 graduates naman sa DFCAM. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending