Coco may malinis na intensyon; suporta bumuhos | Bandera

Coco may malinis na intensyon; suporta bumuhos

- June 02, 2020 - 02:27 PM

Coco

ANG marubdob na pagnanasa ng aktor na si Coco Martin na ingatan at mabigyan ng pagkakakitaan ang mahigit 500 katrabaho sa teleseryeng “Ang Probinsiyano” ang nagbunsod sa kanya na maging emosyonal nang magsara ang ABS-CBN.

Dahil dito, hindi sinasadya ay napagitna muli ang pangalan ng aktor sa isyu ng ABS-CBN franchise nang dumalo si Solicitor General Jose Calida sa pinakahuling pagdinig sa Kamara ng mga Representante noong Lunes.

Nananatili nang tahimik si Martin mula nang siya nang ipahayag niya ang kanyang personal na damdamin sa media.

Nagkakaisa ang mga mambabatas na dapat na manatili na lamang sa isyu ang usapan at iwasan na ungkatin ang personalidad upang hindi maligaw sa pagtalakay.

Ang pagdawit sa pangalan ng aktor sa isyu ay magpapasalimuot lamang sa sustansiya ng pagdinig kaya’t dapat na igalang na lamang ang personal na opinion ni Martin hinggil sa prangkisa ng ABS-CBN, ayon sa mga mambabatas.

Iyan din mismo ang nilinaw ng aktres na si Angel Locsin nang magbigay ito ng opiniyon sa pagsasabing hinahangaan niya si Martin dahil sa  matibay nitong disposisyon na dapat lamang na igalang ng lahat bilang bahagi ng demokratikong institusyon.

“I know your intentions are pure and thank you for standing up for what you believe in,” ani Locsin kay Martin sa isang panayam.

Ganyan din ang paniniwala ng isang veteran journalist na nagsabing dapat igalang ng lahat ang anumang emosyon na inilalabas ng isang indibidwal kaugnay sa isyu.

“Coco may not be perfect in language or expression but, clearly,  his heart is in the right place,” pahayag nito kaugnay sa isyu na kinasangkutan ni Martin.

Hindi naman nagpaiwan ang aktres na si Yassi Pressman sa paggarantiya na may malinis na hangarin at pagkatao si Martin.

Humingi ng pang-unawa si Pressman sa lahat ng kinauukulan upang hindi maligaw sa isyu ang mga mamamayan.

“Si Coco Martin po ay ilang taon ko na pong kilala, at sa pagkakakilala ko po sa kanya ay mabuti po siyang tao,” paliwanag ng aktres.

“Pasensya na po kayo, kung sa pagkarinig po ninyo ay nadadala po siya sa kanyang emosyon, at ‘yun po ay dahil mahal na mahal niya po ang mga ‘kapamilya’ niya. Kami po iyon… mga katrabaho, sa harap ng kamera at sa likod. Mga pamilya po niya,” pakiusap ni Pressman.

Nagpasalamat din ang aktres sa kabutihan loob ni Martin sa kanyang mga nakakatrabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Salamat, Coco, sa lahat ng mabuting nagawa mo para sa aming lahat, at hindi namin makakalimutan ang lahat ng iyon habang buhay,” aniya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending