JaDine fans nabitin sa sorpresa nina James at Nadine; dedma sa isyu ng balikan | Bandera

JaDine fans nabitin sa sorpresa nina James at Nadine; dedma sa isyu ng balikan

Ervin Santiago - June 02, 2020 - 10:23 AM

JAMES REID AT NADINE LUSTRE

HASHTAG kilig much again ang mga JaDine fans nang mapanood muli sina James Reid at Nadine Lustre na sabay umapir sa isang virtual interview kahapon.

Sa kauna-unahang pagkakataon, matapos silang maghiwalay last  January, sabay na humarap ang ex couple sa publiko sa gitna na rin ng mga balitang nagkabalikan na sila.

Tuwang-tuwa at kilig na kilig ang kanilang fans nang mapanood ang  guesting nila sa live stream ng MYX Philippines para pag-usapan ang nakuha nilang nominations para sa 2020  MYX Music Awards at iba pang bagong kaganapan sa kanilang quarantine life.

Nominado sila sa Music Video of the Year para sa “Summer,” at Urban Video of the Year for “Fiend.”

Nagkuwento sina James at Nadine tungkol sa mga nangyari sa kanila simula nang ipatupad ang lockdown sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic at sa mga bagong proyekto na kanilang gagawin lalo na sa larangan ng music.

Pero, sorry na lang sa mga fans na nabitin sa surprise sa kanila ng mga idolo dahil hindi napag-usapan sa interview ang tungkol sa kanilang relationship kaya hindi rin nasagot ang tanong ng madlang pipol kung totoong nagkabalika na sila.

Ang naging sentro kasi ng kuwentuhan ng dalawa ay ang bagong full-length album ni Nadine mula sa record label ni James na Careless Music.

Kuwento ng singer-actress malapit nang matapos ang album dahil talagang naglaan sila ng “lock-in” period para rito na maglalaman ng at least 13 tracks.

Ayon kay James, “We’re focusing mainly on empowerment and self-love. It’s Nadine’s experience. She’s one of the strongest women that I know. 

“She’s been through so much, and I’ve seen her grow. The inspiration was all there. It was really just getting the people together to help tell that story,” lahad pa ng binata.

Sey pa ni James, “We’re 100 percent focused on Nadine’s album. We’re really proud of it. I feel like it’s going to be the biggest project of the year.”

Pahayag naman ni Nadine, isa itong “message album” na maaaring pakinggan ng mga taong may pinagdaraanan. Alam naman ng lahat na isa ang aktres sa mga celebrities na very vocal sa pinagdaanan niyang depression at anxiety attacks dahil sa mga hamon ng buhay.

“A lot of people message me and kind of look up to me when it comes to empowerment or being strong and fearless.

“This is the perfect platform or catalyst to help empower and inspire people who listen to my music,” ani Nadine na tatlo raw sa kanta sa album ay tungkol sa mental health.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“The album is very personal, because it’s all about what I went through, my experiences,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending