outbrain

Madlang pipol waiting na sa resbak ni Coco laban sa banat ni Calida; patulan pa kaya? 

By Ervin Santiago June 01,2020
share this

Madlang pipol waiting na sa resbak ni Coco laban sa banat ni Calida; patulan pa kaya? 

By Ervin Santiago June 01,2020
share this

COCO MARTIN

WAITING ngayon ang madlang pipol sa magiging reaksyon ng Teleserye King na si Coco Martin sa banat ni Solicitor General Jose Calida laban sa kanya.

Kanina, humarap sa virtual hearing para sa ABS-CBN franchise renewal si Calida kung saan hayagan niyang pinatamaan ang ilang Kapamilya celebrities na nagsabing kinokontrol ng gobyerno ang issue tungkol sa prangkisa.

Ayon kay Calida, ginagamit umano ng mga Kapamilya artists ang kanilang powers at impluwensya para makakuha ng simpatya mula sa publiko.

Pinangalanan din niya si Coco na isa sa mga nagpahayag ng matinding galit nang ipatigil ang operasyon ng ABS-CBN. 

Ani Calida, kung hindi lang daw siya isang SolGen ay baka hinamon na niya si Coco at ipinakain ang mga pinagsasabi nito laban sa kanya at sa gobyerno.

Habang sinusulat namin ang artikulong ito, wala pang sagot si Coco kay Calida. Hinihintay ng publiko kung paano sasagutin ng aktor ang pahayag ng government official.

Sa pagkakaalam namin, busy ngayon si Coco sa paghahanda para sa pagbabalik-taping ng Ang Probinsyano anytime soon. Balitang inaayos na lahat ng team ni Coco ang mga kailangan ng produksyon para sa pagbabalik ng serye.

Ayon sa balita, baka raw sa iWant muna mapanood ang programa ni Coco habang hindi pa bumabalik sa ere ang ABS-CBN. Kaya ang tanong patulan pa kaya ng aktor ang banat sa kanya ni Calida? 

Kung matatandaan, humingi na ng paumanhin si Coco kay Calida, “Pasensya na po kayo kung may mga nasabi po kami na galit sa aming dibdib at sana maunawaan niyo din po ‘yon. Ipagdarasal ko na lumiwanag po sana ang inyong isipan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending