outbrain

Bashers nakahanap ng bagong pang-asar kay Kim; ‘bawal lumabas’ blooper may part 2 na

By Ervin Santiago May 31,2020
share this

Bashers nakahanap ng bagong pang-asar kay Kim; ‘bawal lumabas’ blooper may part 2 na

By Ervin Santiago May 31,2020
share this

NAKAHANAP na naman ng bagong pang-asar at pangbasag kay Kim Chiu ang mga bashers sa social media.

Viral na ngayon ang isang art card na ginawa ng isang netizen na pinaniniwalaang galit kay Kim kung saan nakalagay ang “part 2” ng kontrobersyal niyang “bawal lumabas” at “classroom rules” analogy.

Sa isang online interview sa Kapamilya actress, ikinuwento niya kung gaano siya naapektuhan ng grabeng pambu-bully ng mga haters at kung paano siya bumangon sa pagkakadapa matapos bugbugin ng masasakit na salita.

Pero sa isang bahagi nga ng panayam, tila hindi na naman naipaliwanag nang maayos ng dalaga ang nais niyang sabihin sa madlang pipol.

Hiningan ng reaksiyon ang girlfriend ni Xian Lim tungkol sa tagumpay na kanyang tinatamasa matapos mag-hit ang bago niyang kanta na “Bawal Lumabas” na nagmula nga sa panglalait sa kanya sa social media.

“Para akong nabuhayan na, na, na tayo ko, yung natayo… na parang umikot, not 360…360 parang uy dito tayo, punta tayo dito. 

“Yung ganon, yung di ko naman. From a stranger, from stranger yung nangyari,” ang bahagi ng sagot ni Kim sa tanong.

Mabilis na kumalat ang artcard kung saan nakalagay ang picture ng aktres at ang nakakalito na naman niyang pahayag. 

Nang makarating ito sa Kapamilya actress, nag-post siya sa Twitter ng mensahe para sa taong nasa likod ng viral post. Dito ikinumpara siya ni Kim sa isang “pathetic classmate” na nabubuhay sa panghihiya sa kanyang mga kaklase.

“That feeling na ‘yung classmate mong hinihintay kang magkamali tas pagtatawanan na naman nila kahit nonsense na!!!” hirit ni Kim.

Dagdag pa niya, “Daig niyo pa nag-aabang ng teleserye eh. Wag ganun!” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending