'Dapat nga bang sisihin ni Quiboloy si Vice sa pagsasara ng ABS-CBN?' | Bandera

‘Dapat nga bang sisihin ni Quiboloy si Vice sa pagsasara ng ABS-CBN?’

Ronnie Carrasco III - May 30, 2020 - 09:04 AM

      

Quiboloy-Vice

      

ITSURANG sermon sa pulpito ng simbahan ang ginawa ni Pastor Apollo Quiboloy patungkol kay Vice Ganda ngayong pansamantalang sarado ang ABS-CBN.

Quiboly took offense at the gay TV host-comedian’s joke noong hamunin niyang ipatigil din ng religious leader ang matinding traffic sa EDSA matapos nitong pahintuin ang lindol sa Mindanao several months ago. 

Vice Ganda went as far as picking on ABS-CBN’s FPJ’s Ang Probinsyano kung may kakayahan din si Quiboloy na ipatigil ito. Natatawa pang sinabihan ng comedian ng “napakayabang” ang pastor.

Sa shutdown nga ng ABS-CBN ay tila ipinagbubunyi ito ng pastor short of saying that he was right all along. 

Dininig na raw ang mga gustong mangyari ni Vice kaya bakit daw umiiyak ito ngayon — dapat daw ay tumatawa siya kasama ng mga co-host niya sa kanilang noontime show kung saan niya ginawa ang paghamon.

Diyos na raw ang siyang nanaig laban sa ipinamalas na kayabangan ni Vice Ganda. 

“Nalulungkot ka, Vice, nalulungkot ka sapagkat hindi mo mapigilang umiyak dahil wala na yung mga programa niyo?

“Alalahanin mo, naghamon ka, hinamon mo ako noon. Ang saya-saya niyo noon. Naghahalakhakan kayo. Nag-prophesize ka, Vice. O ngayon, wala na yung programa mo, wala na yung network mo. Malinis na ang EDSA. Dapat masaya ka sapagkat natupad ang lahat ng hamon na ginawa mo.”

“Ngayon, naniniwala ka na, karma is real. O, bumalik sa ‘yo, di ba, at ngayon, umiiyak ka. O, bakit hindi kayo humahalakhak?” ang pahayag ni Quiboloy.

A spiritual adviser to the President, ewan kung aware si Quiboloy sa ilang legal implications attendant to the shutdown decision.

Kung si Vice Ganda o biro nito ang kanyang sinisisi, ‘di sana’y kinuyog na ang TV host ng kanyang mga kasamahan as the reason for its fate. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Di sana’y nakatuon sa It’s Showtime production ang buong sisi as they laughed at the joke na obvious namang hindi dapat seryosohin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending