Hirit ni Willie kay Harry Roque tungkol sa ABS-CBN: 'Wag mo akong idamay, baka ma-bash po ako | Bandera

Hirit ni Willie kay Harry Roque tungkol sa ABS-CBN: ‘Wag mo akong idamay, baka ma-bash po ako

Ervin Santiago - May 28, 2020 - 01:33 PM

“NANANAHIMIK po ako!” 

Yan ang natatawang reaksiyon ng TV host-comedian na si Willie Revillame sa mga hirit ni Presidential Spokesperson Harry Roque tungkol sa pagtigil ng operasyon ng ABS-CBN.

Si Roque ang naging special guest ni Willie sa live episode ng Wowowin kagabi kung saan napag-usapan nga nila ang tungkol sa efforts ng gobyerno sa paglaban sa  COVID-19 pandemic.

Sa isang bahagi ng programa, biniro  ni Roque na si Willie at sinabing siya na lang ang napapanood ngayon nang live sa TV dahil nagsara na nga ang ABS-CBN.

“Sa kauna-unahang pagkakataon, ikaw lang ang napapanood sa buong bansa,” ani Roque.

“Alam mo, duda ko, kaya iyong isa nawalan ng prangkisa, ikaw may kagagawan niyan, e. Oh, aminin… aminin,” patuloy na biro ng spokesperson ng Malacañang sa TV host-comedian.

Napailing na lang si Willie sa sinabi ni Roque. Aniya, napakalaki rin ng utang na loob niya sa ABS-CBN at hinding-hindi niya ito malilimutan.

“Sec, wala po akong…malaki din po ang utang na loob ko sa istasyon na iyan,” pahayag ng comedian. Na sinagot naman ni Roque ng, “Ah, oo nga pala.” 

Pagpapatuloy pa ni Willie, “Doon ako nagsimula, doon ako nakilala, nasa puso ko pa rin iyan. Kapamilya, Kapatid, Kapuso, bawat Pilipino.” 

Natatawa pang banat ni Willie, “Kaya, Sec, huwag mo akong idamay. Baka ma-bash po ako. Nananahimik po ako!” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero anyway, nag-iisa ka na lang ngayon,” ang sabi naman ni Roque sabay tawa.

Sey ni Willie, “Wag na nating pag-usapan iyan. Hindi natin pag-uusapan ang kung anumang prangkisa. Ang pag-uusapan natin dito ay ‘yong ating hinaharap na kinabukasan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending