Megan mas na-appreciate ang lockdown success; Cassy nagpapa-sexy | Bandera

Megan mas na-appreciate ang lockdown success; Cassy nagpapa-sexy

Ervin Santiago |May 28,2020
facebook
share this

Megan mas na-appreciate ang lockdown success; Cassy nagpapa-sexy

Ervin Santiago - May 28, 2020 - 08:31 AM

Cassy-Megan

SA bigat ng problemang dinadala ngayon ng buong mundo dahil sa COVID-19, marami ang nakakalimot na bigyang halaga ang maliliit na tagumpay sa buhay.

Marami ang hindi aware o nakakakita sa mga nakakamit nating simpleng success sa pang-araw-araw gaya na lamang ng mga nagagawa natin sa loob ng bahay sa nakalipas na dalawang buwan. 

Ito ang natutunan ni Kapuso actress Megan Young habang naka-quarantine kasama ang asawang si Mikael Daez sa kanilang condo.

Ani Megan, upang manatiling positibo sa kabila ng lahat, iniisip niya ang kanyang na-accomplish na goals — maliit man o malaki. 

“When I need a boost of happy thoughts, I think of all the ‘wins’ that I’ve had throughout the week – random things that made me happy during the week,” pahayag ng beauty queen-actress.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Megan ang maliliit niyang tagumpay sa linggong ito gaya ng pagkukumpuni ng PC nila ni Mikael na gamit nila sa paglalaro ng online games, ang cute na espresso shots na in-order ng asawa, at maging ang paboritong santol na dala ng kanyang kapatid. 

Samantala, magbabalik-telebisyon si Megan sa pagbibidahan niyang GMA series na “Legal Wives” kasama si Dennis Trillo habang si Mikael naman ay tigil muna sa taping ng “Love of my Life” na pansamantalang pinalitan ng rerun ng “My Husband’s Lover” sa GMA Telebabad.

                          * * * 

Sa Instagram post ni Cassy Legapi, niyaya niya ang followers niya na samahan siyang mag-workout. 

Sey ng “Sarap ‘Di Ba?” host, ito raw ang pinagkakaabalahan niya ngayong naka-quarantine para mapanatiling healthy ang lifestyle.  

Aniya, “Regaining my strength slowly but surely, come and join me!”

Dagdag pa ng dalaga, “4 rounds, 20-sec work-10 sec rest” ang sinusundan niyang routine. Kalakip nito ang video ng exercises na ginagawa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami sa followers niya ang pumuri kay Cassy. Magandang habit daw ito na ma-develop habang nasa bahay lang, magiging healthy ka na, seseksi ka pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending