Pauleen, Allan K, Ruby nakatikim ng ayuda mula sa dating EB Dabarkads  | Bandera

Pauleen, Allan K, Ruby nakatikim ng ayuda mula sa dating EB Dabarkads 

|May 27,2020
facebook
share this

Pauleen, Allan K, Ruby nakatikim ng ayuda mula sa dating EB Dabarkads 

- May 27, 2020 - 05:01 PM

KAHIT nasa Japan na ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ng dating Eat Bulaga Dabarkads na si Taki Saito ang mga kaibigan niya rito sa Pilipinas.

In fairness, talagang naisip pa niyang padalhan ng ayuda ang mga kasamahan niya Kapuso noontime show ngayong panahon ng pandemya kahit napakalayo na niya.

Nagdesisyon si Taki na manirahan na sa Japan mula nang maging official member na siya all-female Japanese group na Faky.

At kahit sikat na sa Japan, talagang gumagawa ng paraan ang dalaga para hindi maputol ang magandang samahan nila ng mga kapwa Dabarkads. 

Tinatanaw niyang malaking utang na loob ang pagiging bahagi ng Eat Bulaga family. At para ipakita ang pagmamahal at malasakit niya sa mga Dabarkads, nagpadala siya ng mga sariwang gulay, prutas at itlog sa mga ito.

Sa kanyang Instagram Stories, ipinost ni Pauleen Luna ang mga food packs na ipinadala ni Taki na may caption na, “So, sweet. Thank you my love @taki_faky.”

Super touched naman si Ruby Rodriguez nang matanggap ang ayuda ng singer. Ipinost din ng TV host-comedienne ang regalo ni Taki at sinabing nananatiling malapit ang dalaga sa kanilang pamilya. 

Ani Ruby sa caption, “Im so touched! All the way from Japan…. thank you so much @taki_faky I cried! You are so sweet you did not forget us tho ur in diff showbiz world now. 

“Just know we are here for you and @ninichips is still ur Bff… Love you babe….. oh even if ur 20 if i find out u know what i mean “kurot sa singit” pa din lol.”

Hindi rin nagpahuli si Allan K at nag-Japanese pa sa pagpapasalamat kay Taki, “Honto ni domo arigato ne @taki_faky san.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending