Kathryn, Daniel nag-celebrate ng 8th anniv; KathNiel fans nagpadala ng pagkain | Bandera

Kathryn, Daniel nag-celebrate ng 8th anniv; KathNiel fans nagpadala ng pagkain

Ervin Santiago |May 27,2020
facebook
share this

Kathryn, Daniel nag-celebrate ng 8th anniv; KathNiel fans nagpadala ng pagkain

Ervin Santiago - May 27, 2020 - 03:10 PM

MISMONG ang nanay ni Kathryn Bernardo na si Mommy Min ang nagbigay ng update tungkol sa 8th anniversary ng kanyang anak at ni Daniel Padilla.

Kahapon, May 26 nag-celebrate ng kanilang 8th anniversary as a couple sina Kath at DJ kasama ang pamilya ng dalaga.

Naging memorable naman ang selebrasyon ayon kay Mommy Min kahit na sa bahay lang nila ito nangyari at hindi sa favorite place sana ng KathNiel.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng nanay ni Kathryn ang ilang eksena sa anniversary ng KathNiel. Aniya, naging masaya naman ang dalawa sa kanilang “quarantine date”.

Caption ni Mommy Min sa kanyang IG post, “Happy 8th anniversary Daniel [and] Kathryn. ‘Di man na celebrate sa fav place nila ang special day na ito, ginawa na lang worthy ang day by continuing painting the wall of [flower emoji] then I decided now to call this place, virtual wall.” 

Dagdag pa niya, “They decided to make the day simple lang pero thanks to all fans and friends na nagpadala ng food.”

Kamakailan, nag-dinner date rin ang magdyowa makalipas ang halos dalawang pagtitiis nang hindi nagkikita nang personal dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Sinorpresa ng Kapamilya actor ang kanyang girlfriend at talagang nag-effort ito para sa muli nilang pagkikita matapos magtiis ng maha-habang panahon nang naka-lockdown sa kani-kanilang tahanan.

Nag-prepare pa si DJ ng katsudon meal para sa instant Japanese dinner date nila ni Kath. Ibinahagi pa ng dalaga sa kanyang Instagram followers ang litrato ng boyfriend hawak ang dala-dalang Japanese food

“Look who brought over our ‘ayuda’ earlier today. Arigato, Mayor Danyel for taking time to prep our Japanese dinner,” caption ni Kathryn sa kanyang IG post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending