Osang: Basher din ako dati pero grabeng nega na, ayoko nang makadagdag | Bandera

Osang: Basher din ako dati pero grabeng nega na, ayoko nang makadagdag

Reggee Bonoan |May 27,2020
facebook
share this

Osang: Basher din ako dati pero grabeng nega na, ayoko nang makadagdag

Reggee Bonoan - May 27, 2020 - 10:33 AM

EXCITED si Rosanna Roces sa pagpasok ng Hunyo at hopefully ay bumalik na sa normal ang buhay showbiz dahil marami siyang naka-line up na projects.

 “Matapos na ang pandemic para bumalik na sa normal mga buhay natin at siyempre, ibalik na ang ABS-CBN sa ere,” ito ang birthday wish ni Osang na nagdiwang ng kanyang birthday nitong Mayo 24.

Nakausap namin ang aktres sa mismong araw ng kaarawan niya at ang lagi niyang dasal sana’y bumalik na sa normal ang lahat at sana’y mapuksa na ang COVID-19 dahil lahat ng tao sa buong mundo ay naghihirap na.

Sabi ni Osang, “Sana matapos na itong pandemic kasi ang dami kong naka-line up, sobrang daming blessings ni Lord sa akin kaya paano ka magrereklamo kahit may krisis?

“Sa June may sisimulan ako, sana matuloy, lock-in kami kasi ito na ang rules and regulations ngayon walang uwian ang lahat para siguradong safe, kami-kami lang magkakasama. 

“Kasi pag may umuwi nga naman, hindi mo alam pagbalik, di ba? Lagi akong nagpapasalamat Reggee sa lahat ng dumarating sa akin (na blessings),” ani Osang.

Hindi pa allowed ang aktres na banggitin ang project niya na nakatakdang mag-shoot ngayong Hunyo.

Samantala, sobrang saya ni Rosanna nu’ng kaarawan niya dahil binati siya ng tatlong apo niyang sina Gab, Leone at Maha.

Mensahe ni Gab kay Osang, “Birthday mo pala Lola, joke lang!  Happy birthday lola, I love You!  Ingat ka po d’yan after nito, visit kita d’yan, promise.”

Nag-text din si Leone sa kanya ng, “Happy birthday lola (heart emoji), love you po. Papadalhan kita ng cake.”

Say naman ni Maha, “Happy birthday to the best lola in the world, I love you po. (puro heart emoji).”

Bakit mas gusto niyang “lola” ang tawag sa kanya ng mga apo? Ang iba kasi ay ayaw dahil nakakatanda raw.

“Lola gusto ko, musika ‘yan sa tenga ko,” katwiran ng aktres.

At natatawang kuwento pa ni Hazel (tawag namin kay Osang), sobra siyang natutuwa sa unang apo niyang si Gab na anak ng panganay niyang si Grace Adriano kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

“Lahat sila malalambing, pero si Gab sobra, akala yata niya baby pa siya laging nakahalik at nakatabi sa akin. Laging nakasiksik, ang laki-laking bata,” paglalarawan sa kanyang apo.

Ang laking tao ni Gab kung hindi kami nagkakamali ay 6 footer na siya, “Sobrang nagpapasalamat talaga ako sa Diyos, Reggee kasi si Gab sa magandang school pinag-aaral ng daddy niya, si Leone sa private school, tapos itong bunsong si Maha, ako nagpapaaral kasi gusto ko kung ano ‘yung hindi ko natapos (pag-aaral), gusto ko makatapos siya,” pahayag ng aktres.

Sinabihan naming mag-diet na si Hazel para payat na siya pagbalik niya sa trabaho.

“Hayaan mo na, nag-e-enjoy akong kumain!” tumawang sabi sa amin.

Anyway, nagbago na nga ang aktres dahil hindi na siya maingay ngayon, hindi na siya pumuputak sa social media.

“Wala tahimik na ako, basher din ako dati, di ba?  Iwas basher na ako dami na kasing nega, ayaw ko na makadagdag,” paliwanag niya sa amin.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

                                                     

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending