Zsa Zsa nilait dahil sa ipinost na dirty kitchen
SINUNOD ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla ang advice ng kanyang social media followers na ayusin ang kanyang dirty kitchen.
Slightly ay nalait kasi siya when she posted a photo of her dirty kitchen. Na-turn off ang ilang netizens sa kanilang nakita.
Masyado kasi itong makalat at pinagsama-sama niya ang gamit sa paglalaba at pagluluto.
“Good morning! Thanks for your tips!!! Nilipat ko na lahat ng oil sa taas where all the pang luto should be.
“Even refilled the patis and placed it in the pantry. Pasensya na, di ko na malilipat ang washing machine /dryer kasi yan talaga ang pwesto nya sa dirty kitchen. happy cooking mga Momsh,” say ni Zsa Zsa.
Noong una ay halatang nairita ang singer-actress sa comment ng isa niyang Instagram follower na nagsabing, “napaka unorganized naman.”
“How’s your dirty kitchen? Perfect? Good for you!” sagot sa kanya ni Zsa Zsa.
Nag-comment din ang ilang fans sa Facebook.
“I guess everyone has her own taste of arrangement of anything inside a certain space, ke kusina, kwarto o sala. what is important is how ones convenience in moving about indidr these spaces…basta bz hinfi madungis.
“Eh ano kung ganito o ganoon ang kusina…may award ba kung sobrang organized ang kusina mo? a very organized space is an indication that nobody is utilizing it….display lang.”
“Yung napansin ung clothes detergent nakalinya sa gamit or seasoning pangluto. Ok lng may washing machine kc dto sa ibang bansa pag maliit space talagang nakalagay sa kitchen minsan ang dryer or washing machine, un lng separate gamit pang luto sa panglaba dapat.”
“Ok na Yan kesa mgkatabi u downy at cooking oil. Yun talaga napansin ko eh..bawal Naman in magkatabi u mga seasoning at panglaba pero d ako ngbash SA totoo lang.now Lang ako nagcomment.”
“Inggit lng sila kasi wala silang dirty kitchen..kaya ako kahit maliit na espasyo naglagay ako ng dirty kitchen kasi ayoko marumihan. ang aking counter top.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.