James Reid napiling Ambassador of Food Security ng DA
MAY bagong trabaho at responsibilidad ngayon ang singer-actor-producer na si James Reid.
Kanina, pormal nang itinalaga ng Department of Agriculture ang Kapamilya hunk-actor bilang bagong Ambassador of Food Security ng DA.
Sa pangunguna ni Agriculture Sec. William Dar at iba pang opisyal ng ahensiya, winelkam nila si James kasabay ng official launch ng bago nilang proyekto, ang #PlantPlantPlant program.
Ito’y bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng Department of Agriculture para sa Farmers’ and Fisherfolks’ month.
Makikita sa mga litratong ipinost sa official page ng Philippine Information Agency ang pagbibigay ng certificate kay James bilang Food Security Ambassador at ang pagtatanim ng binata ng isang uri ng halaman.
Sa kanyang Instagram account, nagpasalamat naman ang ex-boyfriend ni Nadine Lustre sa Department of Agriculture sa ibinigay na chance at pagtitiwala sa kanya na maging bahagi ng #PlantPlantPlant program.
Makikita sa IG post ni James ang iniregalong halaman sa kanya ng grupo nina Sec. Dar na kailangan niyang alagaan at palakihin.
“LETS GROOOW. Thank you to the Department of Agriculture and Secretary Dar for trusting me with the role of Ambassador of Food Security.
“Thanks for the gift. Can’t wait to show everyone what we’ve been working on during quarantine!” caption ng aktor sa kanyang IG post.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.