Babaguhin ang provision sa Constitution para humaba ang emergency power ng Pangulo | Bandera

Babaguhin ang provision sa Constitution para humaba ang emergency power ng Pangulo

Atty. Rudolf Philip Jurado - May 26, 2020 - 03:08 PM

President Duterte

LUMABAS sa column na ito kahapon na ang emergency power ng Pangulo na pinagkaloob ng Kongreso sa pamagitan ng RA 11469 o yung Bayanihan Law ay kusang mawawalan ng bisa sa June 5,2020, bagamat ito ay dapat hanggang June 25,2020.  Ito ay dahil ayon sa Constituon, ang emergency power ay mawawalan ng bisa kapag ang Kongreso ay nagwakas magtipon (sine die adjournment) at ito ay magaganap sa June 5, 2020.

 Sinang ayunan naman ng isang kongresista na ang nasabing emergency power ay kusang mawawalan ng bisa sa June 5, 2020 kapag nag adjourn nga ang Kongreso.

 Sinabi din ng kongresista na posibleng kailanganin palawigin (extend) ang legislative calendar ng Kongreso para mabuo ang 3 months period ng Bayanihan Law.

 Para mangyari ito, kailangan iurong ang tinakda ng Constitution sa pagpulong ng regular session (fourth Monday of July 2020 o July 27, 2020) sa pamamagitan ng PAGPASA NG ISANG BATAS.

Kung magagawa ito, ang adjournment na dapat ay nakatakda sa June 5, 2020 ay maiuurong din sa ibang petsa.

Kapag ganito ang ginawa, ang Bayanihan Law ay magkakabisa at epektibo hanggang June 25, 2020.

Maaaring gawin ito ng Kongreso na walang nilalabag na provision ng Constitution. Malinaw sa Article 6, Section 15, ng Constitution na ang taunang regular session (fourth Monday of July o sa July 27, 2020) ay maaring palitan ng Kongreso sa PAMAMAGITAN LAMANG NG PAGPASA NG ISANG BATAS.

Kaya maaaring magpasa ang Kongreso ng isang batas, bago mag June 5, 2020, kung saan papalitan ang araw ng pagpulong/pagtipon ng regular session at gawin ito kada ikalawang Lunes ng August o sa August 10, 2020.

Dahil mauurong ang pagpulong/pagtipon ng regular session sa kada ikalawang Lunes ng August o Sa August 10, 2020 ang sine die adjournment ay mauuurong din sa June 26, 2020.

Kung ito ang gagawin ng Kongreso, ang emergency power ng Pangulo na ibinigay sa pamamagitan ng Bayanihan Law ay mananatili hanggang June 25, 2020.

 Pero anong mangyayari pagtapos ng June 25, 2020?

Ito ba ay maaari pang gawin ngayon ng Kongreso at ito ba ang pinakamagandang gawin para mapahaba ang emergency power ng Pangulo?

Sa paraan ito, mawawalan ng emergency power ang Pangulo pagsapit ng June 25, 2020 dahil sa petsang ito ang ikatlong kabuwanan ng Bayanihan Law.

Kung magpapasa ng batas ang Kongreso para bigyan ng palawig (extension) ang Bayanihan Law bago mag June 26, 2020, ito ay mawawalan din ng bisa o effectivity sa June 26, 2020 dahil ito naman ang petsa na tinakda na kung saan ang Kongreso ay dapat mag adjourn (sine die adjournment) kaya sayang lang ang batas na ito.

Pwede naman magpatawag ang Pangulo ng special session ng Kongreso mula June 27 2020 hangang August 7, 2020. Dito sa special session na ito, maaari magpasa ng isang batas ang Kongreso na tulad ng Bayanihan Law na naaayon sa Article 6, Section 23 (2) ng Constitution. Pero ang batas na ito ay magiging mabisa at epektibo lamang hanggang August 7, 2020 dahil sa araw na ito mag-aadjourn ang Kongreso.

Ang ganitong scenario at solution na palawigin ang legislative calendar ng Kongreso sa pamamagitan na gawin August 10, 2020 ang regular session date ay mas mahirap at masalimuot.

Una, kailangan munang magpasa ang Kongreso ng isang batas bago mag June 5, 2020 para iurong ang date ng regular session upang ito ay maging August 10,2020.

Tila imposible na itong magawa ng Kongreso dahil wala ng oras para pa magpasa ng batas bago mag June 5, 2020, maliban na lang kung ito ay sesertipikahan ng Pangulo bilang isang certified bill.

Pero gagawin ba ito ng Pangulo?

Mas maganda siguro kung hayaan na lang tumawag ang Pangulo ng special session mula June 6, 2020 hanggang July 24, 2020. Tapos, habang nasa special session, magpasa ng isang batas na tulad ng Bayanihan Law alinsunod sa Article 6, Section 23 (2).

Kapag ganito ang nangyari, may emergency power ang Pangulo hanggang July 24, 2020. Pagdating naman ng regular session sa July 27, 2020, pwede naman magpasa ang Kongreso ng isa pang kagaya ng Bayanihan Law.

Pero kung walang magaganap na special session mula June 6, 2020 hanggang July 24, 2020 o hindi makakapagpasa ang Kongreso ng batas para iurong ang date ng regular session, mawawala ang emergency power ng Pangulo pag dating ng June 5, 2020.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nasa discretion lamang ng Kongreso kung ano ang dapat gagawin, na mas may alam kung ano ang makakabuti sa bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending