Online payout ipatutupad ng QC | Bandera

Online payout ipatutupad ng QC

Leifbilly Begas - May 26, 2020 - 10:54 AM

UPANG mas mapabilis ang pagbibigay ng ayuda sa mga senior citizens, persons with disability at solo parents sisimulan ng Quezon City government ang online payout.

Ang mga benepisyaryo ay maaaring gumawa ng qcservices.quezoncity.gov.ph

Pumunta sa Kalingang QC at pindutin ang tab kung saang sektor nahahanay. Ilagay ang detalye ng benepisyaryo.

Pumili ng payment method o kung saan nais na matanggap ang tulong pinansyal. Maaari sa bangko, GCash o PayMaya. Kung walang sariling account maaaring gamitin ang account ng asawa, anak, magulang o kapatid.

Kung ang account ay valid, dito ipadadala ng lokal na pamahalaan ang tulong pinansyal. Maghintay lamang ng ilang araw bago makuha ang tulong.

Kung wala pang QC-issued ID na kailangan sa pagpaparehistro, maaaring makipag-ugnayan sa Office for the Senior Citizens’ Affairs, Persons with Disability Affairs Office at Social Services Development Department.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending