SWS: Pagsusuot ng face mask pangunahing ginagawa ng Pinoy vs COVID
PAGSUSUOT ng face mask ang pangunahing ginagawa ng nakararaming Filipino upang hindi mahawa ng coronavirus disease 2019.
Ayon sa Mobile Phone Survey ng SWS, 77 porsyento ang nagsabi na “palagi” silang nagsusuot ng facemask, 15 porsyento naman ang “madalas” may suot nito, apat na porsyento ang paminsan-minsan, 2 porsyento ang bihira at 0.3 porsyento ang hindi kailanman.
Ang paghuhugas naman ng kamay ay palaging ginagawa ng 68 porsyento, madalas gawin ng 27 porsyento, paminsan-minsan gawin ng apat na porsyento, bihira gawin ng isang porsyento at 0 naman ang hindi kailanman ito ginawa.
Ang pagsunod sa social distancing ay palaging ginagawa ng 64 porsyento, madalas gawin ng 19 porsyento, paminsan-minsan ginagawa ng siyam na porsyento, bihira gawin ng anim na porsyento at hindi kailanman ginawa ng 0.5 porsyento.
Ang survey ay ginawa mula Mayo 4-10. Kinuha ang sagot ng 4,010 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 2 porsyento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.