RYAN sa pagkatsugi ng TALENTADONG PINOY: Di ako sang-ayon sa nangyari! | Bandera

RYAN sa pagkatsugi ng TALENTADONG PINOY: Di ako sang-ayon sa nangyari!

Ervin Santiago - August 15, 2013 - 03:00 AM


MASAMA ang loob ni Ryan Agoncillo sa pagkakatigbak ng reality talent search ng TV5 na Talentadong Pinoy – hindi siya sang-ayon sa desisyon ng network na tanggalin na ito sa ere matapos ang mahigit limang taon.

Aminado ang mister ni Judy Ann Santos na nasaktan siya, hindi raw kasi niya mahanapan ng rason kung bakit ang isang award-winning show at tinututukan ng manonood tulad ng Talentadong Pinoy ay kailangang tsugihin.

“The decision of management to  cancel our show sucks. I don’t agree with it. Pero wala akong magagawa,” diretsong sey ng TV host na medyo mangiyak-ngiyak na.

“This is the end of an era. We have proven that little people can slay giants,” hirit pa niya nang makachika ng ilang miyembro ng entertainment media sa press presentation ng Talentadong Pinoy Battle Royale grand finalists.

Marami pa ring natatanggap na offer si Ryan mula sa ibang network, pero aniya, tatapusin muna niya ang last airing ng Talentadong Pinoy sa Aug. 18 bago siya magdesisyon kung lilipat  ng istasyon.

Sey pa ni Ryan na may himig panghihinayang at tampo, “When the show (Talentadong Pinoy) was offered to me, I  was in the middle of a good relationship with ABS.

Pumusta ako sa station (TV5). Kasabay nito ang Fear Factor sa ABS, plus our movie ‘Kasal, Kasali, Kasalo’ with Juday.”
Kasabay nito, sa mga susunod  na proyekto ni Ryan, mas magiging hands-on na raw siya, “A sitcom is in the works – a co-production with Mr. (Tony) Tuviera (ng APT Entertainment), but that’s another story to tell.”

After  mai-announce ang grand winner sa huling hirit ng Talentadong Pinoy ay uuwi raw agad si Ryan at doon ilalabas ang lahat ng kanyang emosyon, pero pagkatapos nu’n, nangako siyang haharapin ang mga bagong challenges sa kanyang career, “Isang bagsak lang. The next day, I’ll go back to the drawing board. There are a lot of plans for other networks.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending