COVID-19: Mas maswerte tayo kaysa New York, Lombardy-Italy, Japan at Indonesia | Bandera

COVID-19: Mas maswerte tayo kaysa New York, Lombardy-Italy, Japan at Indonesia

Jake Maderazo - May 24, 2020 - 06:53 PM

 

KUNG susuriin ang mga balita, hindi naman napakasama ng sitwasyon sa atin kumpara sa ibang bansa.

Tayo ay world’s number-43 (13,777) sa Coronavirus-Worldmeter.com kung saan nauuna ang #26-Singapore (31,068) at #31-Indonesia (21,745) sa mga “confirmed cases”.

Sa official death toll, number 22 ang Indonesia (1,351), sumusunod tayo #27- Pilipinas (863) at #103 ang Singapore (23).

Kahit tayo’y nasa pinagtatalunang first wave o second wave, sa mga COVID-19 data ng DOH at academe, kapansin-pansin ang magandang “positivity rate” natin sa PCR-RT tests at mababa ring bilang ng mga nasawi.

Ang “positivity rate” ay bumagsak sa 7.7 percent ngayong Mayo kumpara noong Abril na 17.7 percent.

Ito’y batay sa kabuuang 287,294 na PCR-RT testing o 2,616/1-M population. Mas maganda ito kaysa sa #39 Japan (16,539 confirmed cases at 808 deaths) na nagsagawa lang sa ngayon ng 268,477 tests o 2,122/1M population.

Isipin niyo, ang populasyon ng Japan ay nasa 126.5-M, pero mas marami pa tayong tests kahit 109-M lamang tayong mga Pilipino.

Ang death toll naman natin ay bumaba na sa isang linggong average na 6 katao samantalang umaakyat pa ang bilang ng gumagaling sa 85 katao.

Siyempre, lahat ng ito ay pasalamat sa tiniis nating higit dalawang buwan na Enhanced Community Quarantine (ECQ) .

Katulad ng buong mundo na nabigla sa unang buhos mabilis na pagkalat ng COVID-19, mas preparado ngayon ang ating “health care system” at maging bawat mamamayan na gising na gising nito. Ang kailangan na lamang ay ibayong pagbabantay sa mga “outbreak areas” lalong lalo dito sa Metro Manila ang ”episentro” ng virus.

Kailangan ang kanya-kanyang pagbabantay para hindi makapasok sa ating tahanan at kapitbahay ang COVID-19.

Sa kabuuan, naniniwala ako sa sinasabi nitong si Sec. Carlito Galvez jr, chief implementer ng National Action Plan on COVID-19, na nananalo na tayo laban sa pandemya na ito.

Dalawang strategy lang daw, una rito ang T3 (Test, Trace and Treat) upang hanapin at gamutin ang mga nagkakalat ng virus at iiwas sa general population.

Ikalawa ang pagpapatupad ng “new normal” na naglalayong tiyakin ang kalusugan ng komunidad, ekonomiya at seguridad ng bansa.

Tama siyang ikumpara ang Metro Manila (13.8M population) na meron lamang 842 death toll , sa nangyaring trahedya sa New York city (19.5M population at 61,886 deaths) at Lombardy region, Italy (10M population at 32,330 deaths).

Sa totoo lang, marami tayong dapat ipasalamat, at sa halip na magbatikusan, ang kailangan ay tunay na pagkakaisa laban sa pandemya.

***

Dalawang opisyal ang pinag-iinitan ngayon. Una, si Health secretary Fransisco Duque IiI na pinapatanggal sa pwesto ng 14 na senador dahil sa anila’y sunud-sunod na “lapses” sa paglaban ng pamahalaan sa COVID-19.

Ikalawa ay itong si PNP NCRPO Chief major gen. Debold Sinas na kinasuhan dahil sa “mañanita” sa kanya na labag sa IATF guidelines, kung saan isa siya sa magpapatupad.

Si Sectetary Duque sa aking palagay ay hindi dapat mag-resign o maalis sa kasalukuyang kampanya laban sa COVID-19.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala siyang isyu ng corruption at ang kanyang mga “lapses”, kung meron man ay nangyari sa panahong nagkabiglaan tayo sa bilis ng pagkalat ng COVID-19 at mahina ang ating health care system.

Si Gen. Sinas, bagamat kinampihan ng Pangulo, ay dapat lang merong delicadeza at kusa nang magbitiw. Sa tingin ko, mas titindi ang kanyang kredibilidad sa buong PNP at hahangaan siya ng taumbayan kung kusa siyang magbibitiw.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending