Dating PNP chief Debold Sinas, itinalagang undersecretary ng Office of the President Bandera

Dating PNP chief Debold Sinas, itinalagang undersecretary ng Office of the President

share this

Dating PNP chief Debold Sinas, itinalagang undersecretary ng Office of the President

September 11, 2021 - 04:02 PM

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrobersiyal na dating Philippine National Police (PNP) chief na si Debold Sinas bilang Undersecretary ng Office of the President.

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Gayunman, hindi na tinukoy ni Medialdea kung kailan pinirmahan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Sinas.

Naging kontrobersiyal si Sinas nang magdaos ng mañanita para sa kanyang birthday noong May 2020 kahit na ipinagbabawal pa ang mass gatherings dahil sa ipinatupad na quarantine protocols dahil sa COVID-19.

Hindi rin sumunod si Sinas sa ipinatutupad ng gobyerno na social distancing.

Gayunman, hindi sinibak ni Pangulong Duterte si Sinas at ipinagtanggol pa ang heneral.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending