GERALD sa mga nambabastos kay MAJA: Tao rin kaming nasasaktan! | Bandera

GERALD sa mga nambabastos kay MAJA: Tao rin kaming nasasaktan!

Ervin Santiago - August 15, 2013 - 03:00 AM


KAHIT hindi diretsahang sabihin ni Gerald Anderson, pikon na pikon na rin siya sa mga taong walang ginawa kundi ang alipustahin, bastusin at balahurain sila ng kanyang girlfriend na si Maja Salvador.

Sa isang interview, sinabi ng binata na mas nasasaktan siya kapag nakikita niyang naaapektuhan si Maja sa patuloy na pambabastos ng mga bashers sa mga social networking sites.

“You know, may feelings din kami, tao rin kami,” ayon sa binata patungkol sa latest post ni Maja sa kanyang Instagram account. Doon kasi idinaan ng aktres ang kanyang sama ng loob kasabay na rin ng pakiusap sa kanyang followers and supporters na huwag nang patulan ang kanyang bashers.

Hanggang ngayon kasi ay hindi tumitigil sa pananakot at panlalait sa kanila ang pinaniniwalaang mga fans ni Kim Chiu na ex-boyfriend nga ni Gerald.

Naniniwala si Gerald na hindi nila kontrolado ang emosyon ng ibang tao, pero sana naman daw, huwag nang umabot pa sa sobra-sobrang pambabastos.

“Lahat naman ng artista may bashers. Hindi mawawala ‘yon kahit sino ka man. Pero siyempre, umabot na rin sa point na parang sumusobra din. Hindi porke’t parang artista lang kami, parang wala lang sa amin kapag may nangba-bash.

“Siyempre, you know, may feelings din kami, tao rin kami. Siguro, umabot na rin siya sa point na ano, ganu’n,” pahayag pa ni Gerald.

Nang tanungin naman ang binata tungkol sa estado ng relasyon nila ni Maja, muli siyang nakiusap, “Siyempre, sa amin na po ‘yon. Yung status po namin sa relationship namin, open po sa lahat.

But yung sa relationship po mismo, it’s not open.” Samantala, busy si Gerald ngayon sa promo ng award-winning movie na “On The Job (OTJ)” kasama sina Piolo Pascual, Joel Torre, Rayver Cruz na idinirek ni Erik Matti, produced by Reality Entertainment at Star Cinema showing on Aug. 28 nationwide.

Ito ‘yung pelikulang binigyan ng standing ovation sa Director’s Fortnight ng 2013 Cannes International Film Festival sa France noong nakaraang May. Dito rin nanalong best actor si Joel Torre sa South Korean Film Festival.

Kuwento nga ni Gerald, “Sobrang ganda ng experience para sa aming lahat lalo na para sa akin kasi never kong naisip na makakarating ako sa ganu’ng lugar dahil sa acting at dahil sa movie.

Sobrang blessed ako na part ako ng ‘OTJ’. Ang dami kong natutunan sa Cannes bilang isang actor. Sobrang suwerte ko lang talaga at nakarating ako dun.”

Sa pelikula, ginagampanan ni Gerald ang isang preso na pansamantalang pinalaya para maging isang hitman, sabi ng aktor, tulad ng role niya sa pelikula, matapang din siya sa pagharap sa mga challenges ng buhay, “You have to be, kailangan.

You have to be sa negosyong ito. Ang showbiz hindi siya para sa lahat. You have to be strong para sayo, para sa pamilya mo.
“I’m just always staying humble kasi yun yung pinaka-sikreto dun eh.

Just stay humble dahil ang daming puwedeng magbago pero at the end of the day. Kung sino ka nung nag-start ka kailangan ganun ka pa rin.

Yun ang pinakaimportante,” dagdag pa niya. Kasama rin sa movie sina Empress, Joey Marquez, Angel Aquino at Shaina Magdayao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending