Daniel: Noong maging loveteam kami ni Kathryn galit na galit sila sa akin... | Bandera

Daniel: Noong maging loveteam kami ni Kathryn galit na galit sila sa akin…

Julie Bonifacio - May 24, 2020 - 03:47 PM

BAGUHANG artista pa lang ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla ay nakaranas na siya ng pambu-bully mula sa netizens. 

No wonder hindi na siya masyadong affected ngayon sa mga haters and knows na niya how to handle the bashers.

    Sa fundraising online event para sa mga manggagawa sa showbiz industry, ang #ExtendTheLove Actor’s Cue, na in-organize ng award-winning director na si Adolf Alix, Jr., ikinuwento ni Daniel ang unang experience niya nang ma-bash nang todo.

    Tinanong ni Direk Adolf si Daniel at ang dalawa pang Kapamilya stars na guest din sa #ExtendTheLove last Friday night, sina Joshua Garcia at  Zanjoe Marudo, kung kailan sila nagseryoso sa kanilang pagiging artista and  realized that acting  is a craft.

     “Siguro nu’ng napasok ako  doon sa ‘Growing Up’ na kasama ko si Kathryn (Bernardo). Una kasi, siyempre makaka-partner ko siya.  Eh, di ba mahusay talagang artista yun? Bata pa artista na at nakapag-‘Mara Clara’ na siya noon,” pahayag ni Daniel.

   Pagpasok daw ng “Growing Up” ang dami na raw artista ang makasali sa show. Isa na riyan si Albie Casiño na partner ni Kathryn sa show.

     “First time ko makita ang mga basher dahil galit na galit sila sa akin. Dahil ang original na loveteam ni Kathryn noon si Albie. Sabay, next show,  ako na yung  kasama. So, alam  mo  yon?  Inaano ako ng mga tao,” kwento ni Daniel.

 Doon daw niya naisip na kailangan galingan niya, “Kailangang patunayan sa kanila na worthy ako na ipinalit para kay Kathryn. And ako rin, nahihiya ako sobra kina Kathryn.  Ayokong pumalpak dahil ako yung baguhan.  Nandoon na siguro na maiintindihan nila. Pero nasa akin din yung extra effort para husayan ko.”

    Natanong din sina Daniel kung ano sa tingin nila ang challenge  sa generation nila ng kasalukuyang panahon.

    “Siguro ano yung ano ngayon, pumasok na tayo sa digital, di ba?  Iba na talaga dito sa generation natin ngayon. Ngayon pwede ka nang sumikat na hindi kailangan ng tulong ng iba, e. You just need  the  internet, di ba?” ani DJ.

    Yun daw ang malaking difference ngayon sa dati, “Dahil dati di ba, lumang artista  yung meron silang sinehan, di ba? Sine at sa pelikuka.  Pero doon mas  malalaman ang talagang superstar.  Kasi  wala namang mga cellphone noon.  

“Hindi ba lahat pelikula lang  at hindi nila gaano nakikita. Pero grabe ang supporters ng mga ito, alam mo yun? Iba  rin yun, eh. Parang ang legit   ng mga artista noon at hindi mo  basta nakikita ang mga artista. Kapag nakakita ka noon, eh, parang bingo yun!” lahad ng aktor.

    Pero ngayon daw na nasa digital world na, iba-ibang style na. Ang dami ng platforms na pwedeng gamitin para magpasikat at sumikat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

                                   

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending