Panawagan ni Kim:Β Sana'y tulungan n'yo kami upang kami'y π™‹π™’π™€π˜Ώπ™€ π™‰π˜Όπ™‰π™‚ π™‡π™π™ˆπ˜Όπ˜½π˜Όπ™Ž!Β  | Bandera

Panawagan ni Kim:Β Sana’y tulungan n’yo kami upang kami’y π™‹π™’π™€π˜Ώπ™€ π™‰π˜Όπ™‰π™‚ π™‡π™π™ˆπ˜Όπ˜½π˜Όπ™Ž!Β 

Ervin Santiago - May 24, 2020 - 11:21 AM

KIM CHIU

SA gitna ng tinatamasang tagumpay ng viral song niyang “Bawal Lumabas”, may isa pang hiling ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa madlang pipol.

Nanawagan si Kim sa lahat ng kanyang fans and social media followers na mag-sign sa petisyon para sa mabilisang pagbabalik ng operasyon ng ABS-CBN.

Nagsimula ang nasabing petisyon nitong May 22 gamit ang website na kapamilyaforever.com  na ang pangunahing adhikain ay makalikom ng mahigit isang milyong lagda upang bilisan ang pag-apruba sa Kongreso para sa bagong prangkisa ng TV network.

Nabatid na bandang 7 p.m. kahapon, umabot na mahigit 1.1 million ang pumirma sa petisyon.

Sa kanyang Instagram account, nag-post naman si Kim ng mensahe para sa milyun-milyon niyang followers at hinikayat ang mga ito na suportahan ang kanilang signature campaign.

“Mga 𝘾𝙇𝘼𝙎𝙎𝙈𝘼𝙏𝙀𝙎!!!! 

“Hihingi sana ako ng tulong sa inyo na mag 𝙎𝙄𝙂𝙉 𝙉𝙂 𝙋𝙀𝙏𝙄𝙏𝙄𝙊𝙉 upang makabalik sa pamamahayag ang aming tahanan. Ang tahanan na hindi magdadalawang isip na tumulong sa kapwa. 

“Magbigay ng saya at inspirasyon. Wala naman perpektong tao sa mundo, maaring nagkakamali man pero inaayos din at naayos naman. Sana ay tulungan ninyo kami upang kami ay 𝙋𝙒𝙀𝘿𝙀 𝙉𝘼𝙉𝙂 𝙇𝙐𝙈𝘼𝘽𝘼𝙎

“Pakiusap po classmates! ang 𝙇𝙄𝙉𝙆 ng 𝙒𝙀𝘽𝙎𝙄𝙏𝙀 ay nasa aking 𝘽𝙄𝙊. maraming maraming salamat!!!!  hope you can also 𝙎𝙃𝘼𝙍𝙀 the link!” ani Kim.

Naglabas din ng pahayag si Kane Choa, ABS-CBN Corporate Communications head, tungkol sa nasabing petisyon na sinimulan ng mga empleyado ng network.

“Our employees launched an online petition yesterday for Congress to start tackling the bills on franchise renewal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“It has reached one million signatures overnight,” aniya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending